Showing posts with label Kwentong Japan. Show all posts
Showing posts with label Kwentong Japan. Show all posts

Thursday, December 25, 2014

Japanese Kimono First Time?

After so many years ko rito sa Japan..why ngayon ko lang naisipan ang magsuot ng Kimono?
Noon kase parang nababaduyan ako ,tapos parang kahirap kumilos o lumakad,i heard sakal daw sa katawan ang Kimono parang suman na balot na balot at mahigpit ...
Iniipit ang dibdib,sabi ng isa kong friend di ka raw makakain ng maayos...ganun ?

Now 2014 December,ako na mismo ang sumali sa isang events ng Wearing Kimono dito sa parte ng Tokyo ( Asakusa ) isang sikat na lugar lalo na sa mga turista..

Ang masaklap tag lamig na nga aba ey...umuulan pa ,eh di ayun ...lakad kaming grupo kahit umuulan, nakapayong kami ,minsan humihinto ang ulan na pabugso bugso..
At sobrang ginaw...pero sobrang nagenjoy kase puro ako kalokohan sa suot kong kimono..
Kahit sabi nilang dapat mahinhin ang lakad o dapat kumilos ng parang Haponesa..Ang ginagawa ko nagpapatawa ako,ewan ko ba," Ang Kulit ko Daw"



It was December 20 ,Before the event ...inimbitahan kong sumama sa akin ang friend kong indonesian na mahilig sa mga ganitong trip..at lalong naging exciting kase di ako nag iisa..
"so early morning kami umalis mga 9 AM...Bumiyahe kami papuntang Asakusa ,sakay ng Bus ..almost 45 minutes ang biyahe..
Wala kaming Kilala sa Grupo pero they're all nice naman.may black na lady ,singaporean.japanese at thailander ang nag organized ng event..may ilang lalaking kasama which is sila ang mga cameraman namin..at mga expert ..pero syempre may dala ren kaming sariling camera ..just incase para maraming maipon na mga pictures...

Unang ginawa namin.ay isa isa kaming binihisan ng mga matatandang haponesa..at bongga ha..Marunong mag inglis ang mga Lola hahahh naloka ako..
May rental para sa hairdo na flowers which is 100 yen,at free hair style na simpleng ayosan lang ..at sariling make up or kahit wala na...

Ang Kimono ay mga rental lang at hindi mga bago, so mura ang binayad namin lalo na by group..
nasa halagang 3000 yen ay may Kimono fashion ka na..mamili ka lang ng design at kulay pati na ang sukat na tugma sa katawan ay sila na bahala na magbibihis sa yo...
Dahil nga hindi mo ito maisusuot ng mag isa..ewan ko na lang kung hindi ka mastress
"..ang daming cheche bureche bago mo ito maisuot lahat..."



Around 12 PM..nag lunch kami sa isang Japanese Restaurant..at ang kinain ko ay Green Salad lang,ayokong mabusog...Takot mag CR..so ayun..Picture Picture na lang ako...



After ng Lunch,Ikot ikot,lakad lakad...Picture Picture..

Ang nakakatawa naging Attraction kami ng mga turista,andyang kunan kami ng video at kunan ng picture at may nagpapakuha ng picture kasama kami...hmmmm ..kakalat litrato ko ?? hahahhh


Sobrang saya ng araw na ito.kahit umuulan at malamig...Hindi ko malilimutan ang unang karanasan ko sa pag susuot ng Japanese Kimono..and I'm sure masusundan pa ito ng ilang beses..
Type na type ko at para sa akin nakaka alis ng stress .".Sobrang Saya .Promise"


Kita nyo naman ang mga ngiti ng grupo...

my indonesian friend 

At narito ang ilan sa picture na kuha ng mga expertong cameraman..
(here are some photos taken from our group photographer )




At isang Emo emo na picture ko ...



That's the story behind my first time of wearing KIMONO..



........SHIAWASE ...Happy Kimono day to all "





Sunday, March 3, 2013

Sabik ka bang Umuwe Sa Pilipinas?

Paalam muna Tokyo ,Japan...

Sa tinagal ko ren namang pagtira dito sa Japan,Umuuwe naman ako lage,pabalik balik para magbakasyon sa Pilipinas, Sa ngayon halos 2 years na ren di ako umuuwe..so ang plano ko uuwe muna ako at iiwan ang Japan,para mag relax at gamutin ang utak kong punong puno ng stress at mga nararamdamang lungkot ..

Siguro matatagalan ako sa atin,kumuha kase ako ng one year na ticket..so hindi ko alam until when ako sa Pilipinas,plano ko lang makita ang pamilya ko ,at makasama naman ng matagal...at isasama ko yung bunso kong babae,kawawa naman kase ang buhay ng mga bata dito halos kaunti na ang kaibigan,wala o mangilan pa ang kamaganak...halos di pa nagkikita,eh baka masiraan ng bait kami dito dahil wala kaming nakikitang tao,kung hindi kami lalabas ng bahay...Malamig den kaya nakakatamad lumabas,

Ang isa pang problema ,mailap ang anak ko sa tao,na pati ako nahawa na,nawala na yung hilig kong maging laboy at palabarkada o gumimik..medyo nagsawa na ren yata...Baka kung sa aten ako uuwe ,may mabago sa amin ng anak ko,2 ang anak ko ,isang babae at lalaki...yung lalaki ko may girl friend na,so bihira na itong umuwe ,nakikipaglive in na....di mo naman pwedeng awatin..pero pinapayuhan ko na lang kase mga bata pa...at hiniling ko ng una kong nakita yung gf ng anak ko,ay dalawin kami sa Pilipinas sa araw ng bakasyon nila sa work..okay naman yung girl ,so medyo nawala yung pagaalala ko..

Ngayon heto nasa harap ako ng computer,di makatulog ,tuliro,dahil malapit na nga ang uwe ko sa atin,sabik at maraming iniisip,plano at siguradong gastos ....masaya naman kahit ganun sa atin..importante walang sakit,kaaaway,may takot sa Diyos,walang giyera,walang kalamidad o ligtas sa lahat ng kapahamakan....yun lang ang lagi kong panalangin,kahit kokonte ang yaman,magsama ng masaya at may pagkakasundo,ang blesssing panginoon ay di nawawala..basta manalig ka lang at magtiwala syempre ayun sa iyong ginagawa na ayun sa kanyang salita..

So,ang Mr. ko at ang panganay ko iiwan ko muna sa Japan,my Computer at Cell phone naman para makontak..at lage nalang magdasal para di mag alala ..minsan ganun kase ako lalo na malamig dito,pala lindol,..naiisip ko ang trabaho ng asawa ko at anak ko..alam kong hindi madali par sa kanila,ang sabi ko nga sa anak ko..Kapag yumaman si mama kukunin kita at di ka na magtatrabaho sa Japan..

Sana naway matupad ang pngarap kong maklsama ko ang aking anak at asawa sa Pilipinas ,kasama ng aking mga kapatid at nanay ,wala na kase si tatay..so mga hipag at pamangkin ko ay namimis ko na...

hanggang dito na muna ang kwento ko...see you ulit sa susunod kong

mamimiss den kita Tokyo

paalam muna Japan

Friday, April 20, 2012

Boring Ka ba?



Lahat ng tayo nagiging boring minsan 
Kapag ang isang tao maraming ginagawa ,ewan ko na lang kung naiisip pa o nararamadaman ang pagiging boring....Ako palage ko ito nararamdaman lalo na nga at ako ay palaging nagiisa sa kwarto ko..kung wala sigurong computer ay mas lalo na..

Ano ginagawa nyo pag naboboring na kayo?
Ako ang ginagawa ko kung hindi naman makatulog,nakikinig na lang ng sounds,sumasayaw o nag eexcercise mag isa...Kapag sawa na maliligo syempre..o kaya naman mag sasauna...Bihira den kase ko lumabas na o mamasyal.halos pinagsawan ko na ang kakalakwatsa dito...

Andyan naman kung sipagin maglinis ng bahay.kulikutin ang kusina,mag imbento ng lulutuin..o di kaya mag handmade craft ..mahilig ako sa art work..basta nasa mood yun nga lang..
Pag maganda naman ang  kondisyon ko ,medyo nag wine minsan.at.gagawa ng vegetable salad ...mga ganun ba...at kung sa kausap o makipag daldalan ay bihira...i mean imposible ,dahil wala naman akong masyadong kilala o kaibigan..meron man ..busy sila at halos umuwe na ren ng bansa at yung iba nasa America na..lungkot no? pero sanay na ko..


Payo ko lang kung naboboring kayo...
Kung ayaw nyo ng gastos pwede naman kayo mag ikot sa mall...pwede namn mag window shopping..kumain ng konte ,may mga mura ren naman diba..o kaya sa park tumambay kayo...magdala ng babasahin o kaya muni muni kayo..tingnan ang ulap simsimin ang simoy ng hangin tingnan ang mga ibon at mga halaman ...mga ganun ba..korni ba ?gardening okay sana kaso..nakakatamad den minsan..

Kung di nyo feel sa park..mag aya kayo ng best friends nyo o pamilya..lumabas...o makipag chikahan kahit mag tea lang kayo..eating nuts o kaya gumawa kayo ng meryenda tulad ng kamote ,banana,que..etc

Siguro.marami naman magagawa..maliban na lang gusto nyo mag emo talaga.....ang sagot dito  ay kayo na nakakaalam...mood mood na lang ba....my asawa o may bf o gf...busy den sila..kung single ka .kaya panigurado magcocomputer na nga lang tayo..kung may baby or kids kayo aba ey busy kayo..di uso dyan ang boring..kung walang computer at walang pang cafe net...itulog na lang naten pre ......tapos usapan....
computer computer if you feel bored

oh sige bahala na kayo kung paano nyo pinalilipas ang araw nyo pag nakakabagot na......

Inom tayo ng hot green tea...I am having it now...cheers sanyo..


jane......life is parang dagat may oras na tahimik ang alon may oras na malakas ang alon...

Wednesday, April 18, 2012

Saturday, April 14, 2012

Kwentong Japanese

sa may kameari station to..

mahilig sila magshopping 

Mga Hapon....Hmmmm...Akala ko noong una,nakakatakot sila..yung tipong sadista at sasaktan ka....
At alam naten na marami ditong Yakuza..echhooss... kahit saan naman lugar may gago at matino..may mababait at mga sadistang hapon den dito..pero,mas lamang ang duwag puna ko lang, yung iba.yabang na lang kase..not lahat ahh..marami den mabubuteng hapon..boring lang siguro ko sa kanila or sawa na ko dto .

Masasabi ko tahimik ang Japan..walang pakialaaman,kapitbahay mo kahit sampung taon mo na nakikita yuko lang ang batian..kaloka..hmmp minsan di na ko bumabati umiiwas na lang,kakasawa parang plastikan pero manner nila yon lalo na same building o compound kayo ng tinitirirhan..

Malinis naman ang paligid,masinop sa pagtapon ng basura...pero sempre may mga gago pa ren sa mundo na di mawawalan ng di sumusunod sa batas...may kalat den naman sa japan...my pulubi ren ,mga homeless..pero they don`t beg..ewan mga depress o frustrated sa buhay..parang i heard mga naglayas sa pamilya..at naghihiga sa kalye kahit malamig..mukhang taong grasa..marami den dito no..

Mga hapon sa aking observation...parang matapang sa salita pero duwag,may chismosa ren kaso di naman kagrabe sa aten...mataas pride ng hapon,lalo na yung mga ugali talaga...ay naku..ilan bes naku napaaway..basta..

Pero maganda lang sa Japan kahit gabihin o madaling araw ka ng umuwe di delikado..nakabisikleta at laseng pa okay lang...wala ngang pakialaman kase..may gulo man depende na yun sa situtation..halos mga siga o laseng na tao ang nagwawala...

Mga haponesa dito kung magdamit halos hubo na ..hahahh..i mean maiiksi mg palda kita na panloob...school uniform susme paiksian ng palda ..ano ba dito...mga kadalagahan dito malalande sa tingin ko,kapal magmake up..pumorma maluluho..pero totoong marami ang magaganda at makikinis naman talaga...at sa mga boys ganun den maraming gwapo at matatangkad...high tech na raw kase..pati food western na..

Isa lang pintas ko dito....parang di warm ang tao...isa sa pinaka maraming stress na tao ang  bansang japan.marami dito depress at suicide rate ay mataas...marami dito di nagsasalita ng problema kase...ewan ko ba sa kanila.....mga di showy...kulang sa lambeng ...ay.naku..whatever ako gusto ko ng umuwe sa bansa ko....hehhehh..iba ren yung pamilya mo at bansang kinagisnan mo ...dito maliit at konte lang ang pamilya..dedmahan pa...basta..


jane antok na ko ...

Saturday, April 7, 2012

Usapang Beer Sa Japan



Beer in japanese is BIRU.......ALAK is OSAKE

   Isang bote ng beer pagkatapos ng trabaho.  kinaugalian ng mga hapon ito,..malamig na malamig at isasalin sa baso ...habang may bula .lagukin na kaagad..katawa lang ano....so..pwede na , karamihan ng hapon mahilig uminom ng beer,lalo na silay pagod na pagod at gutom ..mas nauuna nilang isipin ay beer..bago kumain..

  .Kinaugalian nila na ang pag inom ng beer ay isang pampaalis pagod at nakakatulong sa stress ...may nagsasabi naman pampagana daw ito bago kumain....matanda babae o lalaki bibihira ang di marunong uminom..subalit kahit saan namang bansa may batas ang pag inom ng alak ,kailangan nasa 18 ka na..pero ang tao matigas ang ulo sempre kahit 13 o 15 years old mayroon ng umiinom ..patago cigurado...wag ka lang papahuli .at may taong sadya namang  lasenggo at may sadyang pang alis uhaw lang daw at pagod lang ................
   Ang iba naman kung makikipaginuman sa mga kaibigan o kaopisina..unang lagok nila ay isang malamig na beer muna bago ang mga hard drinks like whisky or brandy..at yung sake na kung tawagin sa ingles ay rice wine...

umiinom den ako ng beer basta with moderation,maganda ren naman ito sa health basta wag lang aabuso..dahil kung sobra ka sa paginom masisira ang diet mo at di maganda sa kalusugan...
   At ang beer sa japan ay may ibat ibang uri ng lasa timpla ..o ibig kong sabihin mga maker ,labanan den kase ang mga beer ,alin ang klik masarap yon ang mabenta..may mura may mahal sempre depende sa inyong panlasa...draft malts dry light mild strong at may percentage den ng alcohol..4 % 5% 5.5% until 7% ang nakikita ko... sabi ng iba mas masarap daw ang NAMA BEER....yung nasa barrel ba yun ..draft beer ba ang tawag doon........yun lang po....enjoy your beer..and drink with moderation..together with your pulutan..Always keep balance when it comes to food and what youre drinking..
JANE!!....see yah ..

Friday, April 6, 2012

Di Porke nasa Japan Mapera Ka na...

   Marami sa ating kababayan ang gustong gustong mkarating sa ibang bansa....sa dahilang maliit ang kinikita sa atin,kung babalikan ko ang panahong akoy nasa pilipinas pa,iniisip ko ren yan..subalit sa tagal ko na dito,nagsawa na ren ako,namimiss ko pa ang buhay sa aten,......ang buhay pangkaraniwan lang...ang palengke,mga maiingay na sasakyan.mga taong nagkalat ,mga kahol ng aso..at mga tindahan ..basta.

   Lahat na yata ng mganda dito sa Japan andito na..maging masipag ka lang madali ang pera,sa katulad kong tamad paano..patawa ano?..Akala nyo ba di lahat ng tao dito mayayaman..yun nga lang di katulad sa atin na pag hirap mahirap talaga dito ..pantay lang ang pamumuhay dito,.kung mayaman ang tao dito ay talagang mayaman...di uso dito ang katulong ,magkaroon man ng katulong mga bigaten na tao na yun pero bihira yun..
mga gamit naman kase dito puro di machine..kaya di na kailangan katulong at kung gusto mo magpalinis ng bahay...orasan ang bayad tatawag ka lang puountahan ka na nila..ang korny no..

  Ang buhay sa Japan aminin ko masaya kung mahilig ka pa sa gimik o party o kaya bumarlkada...sempre magastos den yun ,mahal ang mga bilihin dito hindi biro..pansen ko nga ngyon..bagsak ang Japan mrami nagsasara ng mga malls bar at iba ibang shop..matumal na ren siguro..madami na reng factory na nagsasara tapos di mabayaran yung mga tao...tumatakas den ang mga hapon..grabe no..

  At napakarami den pinay dito na naghihirap ayoko ng ikwento buhay nila,andyan baon sa utang ewan ,,may mga bisyo den kase ,luho at kung ano ano pa...yung iba naman di matapos na bayaren o padala sa pamilya sa pilipinas..kaya di makaipon.....may mga matatalino na tao ren paano sila umasenso..kanya kanya diskarte..

  basta ako nalulungkot na dito di ko na maramdaman ang saya.....marami kong hinahanap na di ko makita dito....kaya pag kayo nakahawak ng pera o nakapag abroad pahalgahan nyo ang pinaghirapan nyo..para sa huli di kayo mgsisisi..

  Marami kase yumaman dito pagkatapos nalimutan nila na ang pera ay nauubos ,so ayon marami dito na kababayan na naghihirap ..as in namumulube ren..kahit sino uutangan na lang..basta matuto kayo sa buhay nyo..

Friday, January 6, 2012

Labanos Legs ka ba?..

What I`m Doing Here Tokyo?: Parang Labanos ba ang iyong hita? {White radish ...: Japanese lesson ... Labanos o white radish >>>>>>> DAIKON A no ba ang Lasa ng Japanese Labanos? o ng daikon ? Nakakakita na ba ka...

Thursday, January 5, 2012

How Pet Treated in Japan ? Gusto nyo malaman?




laruan ng pusa ay pusa ren na manyika
Pet store sa Tokyo on demand

 May mahilig ba sa inyong mag alaga ng aso at pusa..?o may aso at pusa ba sa bahay nyo?..pero hindi mo alaga,parang wala kang paki..o hindi mo gusto kaso gusto ng kasambahay mo..?
   Noong maliit ako ang pusa at aso na nakagisnan ko na  pag papalaki ay kung ano na lang ang natira sa kinain , ay iyong pinakakain sa kanila...sabagay di ko hilig mag alaga at wala akong hilig sa hayop .so hindi ko alam talaga paano inaalagaan ang mga ito.
.
Aso at Pusa sa Pilipinas Paano tratuhin?
   Nagkalat sya diba..kahit saan malaya silang nag kakagulo sa kalye,binabato..hinahabol,kinatutuwaan..pinapakain ng kung ano na lang...May iba naman sinasaktan,pinag mamasdan at pinag lalaruan sila...pag minalas naman may lumalason ..at yung malupit pa nito, huhulihin dahil nagkalat sa kalye..ewan kung ano ang gagawen o saan dadalhin..ni hindi ko iyon iniisip...nalaman ko na lang .na kung hindi ikulong o ibenta at gaweng pagkain......pero change talk ayoko ng ganitong usapan..
   Anyway..may magandang  mag alaga sa aten at may balewala lang...gastusan man nila o hinde.

Sa Japan paano nila tratuhin ang aso at pusa?
   Ang alagang hayop dito ay hayop na kung hayop....iba ang trato ng mga hapon dito...ito ay isang pamilya tratong makatao at hindi hayop
    Pinapakain nila ito ng pagkaing hindi tira o luma,kung ano ang kinakain ng tao ganoon den sila ang kaso bukod yung bilihang ng food nila..yes, my pet store sila.at on demand  ..bongga no?,binibihisan nila ito,pinalliguan,dinadala sa pagamutan kung may ,may dentista ren ,at mga spa para sa kanila, pati sa kuko at balahibo ay may parlor den..sosyal no?   nag de date den ang mga ito ihahanap ng magiging asawa..syempre yung amo ang nakikipag kontak..may ganitong association dito..weird no?may kasalan pa yan nakakatawa .
    May mga bahay alagaan den na binabayaran,may hotel den sila at may ceremony ng kasal hanggang  sila ay mawala sa mundo ay tratong makatao...iniiyakan nila ito..
    Isang anak na trato karamihan ang turing nila sa hayop ,hinahalikan ,niyayakap kasabay pang matulog at kasabay pati maligo...natural kinakausap den nila ito at tinuturuan dumumi o umihi..binibili den nila ito ng sariling laruan...samantalang sa aten abutan mo ng buto okay na..
    Malungkutin ang mga hapon,lalo ng walang anak o nagiisa sa buhay..so ganun na nga... At kung ano ano pang pag mamahal ang pag aalaga nila dito..

Sikat at artista ren ang aso at pusa.
   At ang pinamagandang nagagawa ng pusa o aso dito bilang reward ng mga nag aalaga sa kanila..
may hayop kase na sadyang nakakatuwang tingnan maganda at gwapo talaga..so nakukuha silang model sa tv magazine ,kita mo...showbis den sila..kumikita ang mga ito..naisasali sa kontes at may premyo kasama ng mga plake at tropi..
hmmm..may mga silbe ..yan isa lang sa aking kwento.,marami pa sigurado akong magagandang kwento tungkol sa mga pet..pero hanggang dito na lang ang kwento ko mahaba haba na ren itong tina type ko..
 
Kayo ba..kung wala kayong anak o kasambahay...mag aalaga na ba ren kayo ng pusa o aso.?
Nagpunta ko sa pet store ..tingin tingin..ang dami na kung ano ano ,laruan at pagkain..may diaper pa
..watch this video..

  Japanese lesson 
Aso or dog...>  INU
Pusa or cat....>NEKO
Maliit na pusa or baby cat/kitten...>KO NEKO..{koneko}
Maliit na aso o baby dog /puppy....>>>>KO INU
Pet or alagang hayop.......PETO
Animal o hayop....>DOUBOTSU




Wednesday, January 4, 2012

Parang Labanos ba ang iyong hita? {White radish Legs}

Japanese lesson ... 
Labanos o white radish >>>>>>>DAIKON 

Ano  ba ang Lasa ng Japanese Labanos? o ng daikon ?
    Nakakakita na ba kayo ng labanos na kasing laki ng braso o binti..? kase sa bansa naten chikoy yung labanos...para lang syang carrots di ba? Sa atin ang lasa ng labanos is maanghang at medyo mapait kaya pag sinsalad iyan parang nilalamas pa sa asin o pinipiga bago kainin ng sariwa..
    Dito sa Japan ang labanos kahit di mo iyan pigain ,kinakain nila yan ng pa stick type..palamigin lang sa ref o babad sa tubig na may yelo.lasa syang singkamas ..promise nakakagutla nga eh..
   gingawa nila iyang buro..mga pickled vegetables ba..kung tawagin ay TAKUWAN..side dish sa mga bento o partner ng ONIGIRI{rice ball}..
   at kung ano ano pang lutuin ,hahaba ang usapan pag sinabi ko lahat ng putahe na yan..


Bakit  ba sa Pilipinas Pag sinabi Labanos ang binti mo..Natutuwa ang mga girls.Why???
   Kase naman ,ang ibig sabihin "wow legs ka" means maputi ang legs mo..eh maputi kaya yung labanos..
flatered ka ano?  so sa aten pag sinabi may binti kang labanos is pinupuri ka...Sa Japan baligtad naman..

Sa Japan pag sinabi sa yo na may binti kang labanos...Ay hindi natutuwa ang kababaihan...
   Instead naiinis pa kamo kase iniinsulto daw ang sinasabihan ng ganun..noong una natawa ko .
Bakit nga ba?  Tingnan mo nga yung labanos ng Japan.at .hindi sila sa kulay nakatingin since mapuputi naman sila natural hindi sa puti sya sinasabihan na labanos legs 




WHITE RADISH LEGS
IBIG SABIHIN PALA NG MGA HAPON PALO PALO YUNG BINTI ...ho ho ho..
  yan ang ayaw ng mga haponesa..ngayon na lang nagssigandahan ang korte ng legs ng mga babae dito dahil halos western style na yung mga upuan..
  Iinsecure ang mga haponesa kase malalaki ang  binti talaga ng mga tunay na  haponesa.,.Mapalad daw ang may slim at magandang korte ng binti...

Pero  sa ngayon napansen ko mgaganda na halos ang legs nila kakaingigit nga ehh....ang.puputi pa..
Sana naenjoy kayo sa kwento ko..

kayo ba?,May mala labanos na legs ba ?

Tuesday, January 3, 2012

Are You Obsessed Of Craving Chocolates?

Ang Cacao po  at chocolate ay magkaiba...cacao ay isang puro na walang timpla o halo na kahit na ano...iyan masasabi kong healthy at safe ang health nyo...nagiging masama na po ang isang pagkain kung hahaluan na ng kung ano ano ,like sugar,syrup,butter,creams etc...isipin nyo po iyan..

So,For those asking nakakataba ba ang Chocolate?  Ano ba nga sa palagay nyo ?....Ang isang piraso o dalawang pirasong paminsan minsan siguro naman ..hindi naman kayo lolobo bigla..Tandaaan nyo ,iba po ang KAIN ,Sa LAMON, sa TIKIM, At sa napasubo lang ..Paminsan minsan masarap ang chocolate....Ang tanong paano ba kayo kumain ng chokolate???

 Bakit ba kase naman masarap at nakakaadik pag chocolate na ang ang pinauusapan ,lalo na ito ay galing abroad pa.halata naman.iba ang ang lasa ng imported sa local ,di po ba? mas marami kase ang cocoa sa sugar ,may kasama pang mga almonds,macadamiat at kung ano ano pa..sa pinas naman .kunde pulos asukal ,eh ramdam ko peanut butter lang yata ang nakasahog ehh..


CHOCOLATE ay ginawa sa sarap..
 Alam nyo po, halos ng ginagawa ng tao lalo na sa mga isusubo naten ay halos, pinagaaralan nilang mabute ang timpla o lasa ng mga eto,sa totoo lang  naman po wala silang  pakialam sa inyong kalusugan kunde ang paki nila ay mabili at masarapan ang tao sa ginagawa nilang producto..para sila kumita...
  
Hindi naman agad kayo magkakasakit o mamatay ng 2 taon lang ng pagkain ng matatamis...hintayin nyo po ten years or more than ten years..swerte abutin kayo ng 20 years na healthy at walang jabetis..gudlak..just eat with control and limit..i swear and promise..proven ko na yan at marami na ko kilala,na matitigas ang ulo ..sa pag abuso ng sobrang kain ng matatamis...anyway......

ANG TANONG ulit KUNG NAKAKATABA.ba nga??.OPO at SYEMPRE......kunde nyo maiwasan ..minsan minsan lang at balanse lang lage ,.okay..remember iba ang lamon tikim sa kain...at dapat make sure you drink plenty of water and brush your teeth po.......may mga healthy choko na reng nabibili ngayon basahin nyo yung contents...at i suggest black dark choko is healthy lalo na ang 75 percent choco which is bitter and no added sugar..sabihin nyo na hindi masarap....ganun naman talaga ,ang masarap ang lageng masama...hehehhh..but you can enjoy eating chocolate...kayo na ang bahala kung lamon ang gagawen nyo ..lolz


Add caption








 I eat  chocolate naman kaso bihira at pili lang..but i am not obsess with chocolate .i eat them healthily...some people are crazy of craving chocolate...kaya nila ubusin kahit ilang boxes pa..o ilang bar,nakakalula kase para sa akin ang tatamis ng timpla ng chokolate ,nakakalaseng ang tamis..
    Siguro masarap ang chocolate yung kaunti lang di yung lamon..sabagay ang cocoa at white sugar ay addictive na pagkain..isa syang  "myth" at ang cocoa ay may caffeine which is addictive den ..
    I remember when i was little girl, my father always buy me raisin chocolate if i am sick..para tumahimik daw siguro ako..natatandaan ko sya siguro 5 years old ako, basta wala pa ko sa grade one noon..imagine tanda ko pa ..kaloka.....sabi ko pa noong bata ako.. bakit ang sarap naman ng chocolate? at.may ubas pa sa loob iniisip ko...inosente ang dateng no.!!
    Di naman kase katulad ngayon,nagkalat ang chocolates with variety of flavor.some are expensive some are cheap na di ba..
   Alam nyo ba ang chocolates ay lunod sa asukal butter caramel corn syrup at kung ano ano pang nakakaadik na ingredients..
 
Alam ko cocoa is healthy but i never say chocolate is healthy food..unless you eat them with moderation..


Dark chocolate are more healthier 
In my case kung gusto ko mag crave ng chocolate i used to buy dark choco one..yung 75 percent pataas ..marami noon dito..ewan kung meron na ren sa aten..yun nga lang mapait na sya at matabang ..less sugar na kase...yon nga ang good don eh...sugar ang di maganda sa chocoloate ..hindi yung chocolate mismo.


The Chocolate you see below are the healthier chocolate ...they`re less sugar at pure cocoa in different percentage ..
ito ang malimit kong bilihin..mga nasa 298yen something like that.


  Basta lahat naman ng bagay eat with moderation...kase kahit saan tayo pumunta lahat ng nabibiling pagkain o inumin ay may mga artificial at chemical na nakalagay...so sa mga di concern sa health...i can do nothing na .

Wednesday, December 21, 2011

Bakit may mga Pinay na maingay kahit nasa maraming tao?

Brrr...  Sobra lamig na dito...Kayo nasaang lugar?mainit ba jan o malamig?
   Wala lang gusto ko lang ishare yung nakita ko sa loob ng train.....Ang daming tao kanina galing ako sa Matsudo part of chiba city na yon...Kase naman eto yung kwento ko..,syempre sa loob ng train eh.. dito bawal ang nakikipagusap sa celphone...dutdot mode pede naman...,i mean dapat na ka manner mode like den sa plane bawal diba,......di naman masama magsalita o makipagusap sa loob ng tren..kaso syempre yung volume diba...minsan ako ren, napapalakas den ng boses kung may kasama.ako.. sinisita naman ako ng kasama ko ..sempre di naman ako magasalita kung nagiisa......okay lang kung ganun ehh..
   Narito ang gusto kong sabihin ,tahimik ang loob ng kinauupuan ko...nang biglang bumukas ang pinto ng tren may isang babae na pumasok ,lagatok ng takong grabe ..umupo sa harapan ko na bakante ...solo syang nakaupo dun..ingay ng takong sapatos nya...pag upo dekwatro...itim na stocking ang suot nya medyo lambat yata..di ko naman mtitigan kase ako yung naiilang...nakaminiskirt sya siguro...ang tapang ng perfume nya...pero okay lang naman yung porma kase ...buhay nya nyon...ikukwento ko lang naman... kase sya yung topic ko dito...
  Siguro naka headset sya...sa celpon nya...ang lakas ng boses may kausap....syempre nasa harapan ako naririnig ko sinasabi nya....mukha bf yata sa pinas kausap..kase narinig ko nag "love you "heheheh..
  Tapos sabi nya sa bf nya yata..kumain ka na...? sumagot siguro na tuyo yung ulam...tapos sumigaw yung chika babes...Oh BA`T KA TUMATAWA PORKE TUYO ULAM MO.......!!!! sabi nya tapos...sumigaw uli.....SIGE NA MAYA NA KITA TAWAGAN>>WALA KANG KWENTA KAUSAP!!!  ang lakas parang kanya yong tren hahahh...lahat tao sa tren nagiilingan ng leeg..ako ang napapahiya feeling ko bat ganun mga kabayan naten...? walang manner...sana wag naman ganyan...nakakasira ng image naten....
  hmmpp..kaya minsan di mo maiwasan magsuplada kase marami eskandalosa ...tapos ewan ,basta behave naman tayo...para di tayo mapipintasan...baka sabihin lahat tayo ganun....wala lang ..di naman po to chismis..share ko lang na dapat sana maging behave mga iba nateng kababayan.para di tayo maliitin ng ibang mga foreigner....tapos obvious sa bar pa sya nagtatrabaho....narinig ko sabi nya sa bf nya...sempre sayang yung 10,000 yen kaya papasok ako ngayong gabi ....kaloka talaga... anyway....wala lang ako pakialam kung tutuusin.....naikwento ko lang yung na kita ko.....yun lang po...pasensya na sa  gerlalu na yun naikwento ko sya........ingat na lang sya na di mapaaway...

  Nihonggo lesson tips.....
kanamachi station
     maingay..........                               .URUSAI
     Nakakabulabog o nakakaistorbo....MEIWAKU
     nakakahiya....................................HASUKASHII

Monday, December 19, 2011

Magkano isang Lapad ngayon sa pesos?

  Naku ang laki nasa 5,600 pesos yung isang lapad...grabe samantalang nung si joseph estrada ay presidente at nagkakagulo ...nasa 4,500 pesos noon akala ko yun na ang pinakamalaki...noon alam ko wala pa sa isang libo ang isang lapad...natandaan ko una ko nahawakan na yen ay nasa 40 lapad.....pinapalit ng father ko sa metro politan bank ay .nasa 40,000 pesos....ngayon magkano ang 40 lapad...?tsk tsk..
   Noon siguro 2002 nang mag patayo ako ng bahay...pinagiba ko yung luma naming bahay  ... malaki ang nagastos ko secret na lang magkano ,eh kung kukwentahin ko pala ngayon....haay naku....at ang isang million piso noon ay 300 lapad...ngayon may 200 lapad ka ..eh may isang million ka na. kelan uli kaya ko makakahawak ng million ....hmmmm...
   Sabagay marami ren ang tumaas na bilihin.na...lupa gasolina bigas tax ..pero salary yata sa atin di man lang tumataas kaya halos ng  tao sa pilipinas gusto sa ibang bansa magtrabaho..buhay nga naman...
  Mabilis maubos ang pera....hirap kitain,hirap mag ipon..hirap magtipid kaliwat kanan gastos...di mo naman maiiiwasan ang hindi bibili...lalo na dito,kahit na isa sa may pinakamahal na bilihin sa bansa ang Japan...mamimili ka pa ren..masarap magshopping basta ba may pambili...kaso pag naubos paano...dapat bina budget talaga..ako wise na ren ngayon gumastos..kahit naging bulagsak ako sa pera date may natutunan den ako ....di lahat ng oras may dudukutin,naranasan ko na kase nasagaran..ang hirap,.sobra...kaya eto naglilibang na lang sa loob ng kwarto..
  So kayo maging wise dapat sa paghawak ng ating pera....mahirap ang masimutan...wag naten abusuhin ang paggastos ,di habang panahon kikita tayo.ako nagsasabi sanyo...sa una masarap maging maluho sa huli magsisisi kayo...naranasan ko na kase ang magluho o maging one day millionaire....balewala sakin ang pera noon, para kong namumudmod ng bigas hehehh...anyway....magtipid kayo... magpundar hangga`t may maipupundar..marami kase ko naririnig tumanda na sa ibang bansa o dito sa Japan...marami na  baon sa utang at naghihirap ewan...no comment.
  Ako di ko sinasabi na marami kong ipon..naging maluho na ren ako minsan...naadik sa mga brand o yung mga signiture like louie vuiton gucci channel etc.. graduated na ko dyan..mga bars party fashion jewelries sapatos bag.....collect ng collect ako noon...nakakapanghinayang kung ngayon ko iisipin...aanhin ko ang mga yan ngayon..andun natutulog sa cabinet..tulad nitong  nasa larawan...benta mo man baratin ka lang..souvenir ko na lang yan..nung magastos pa ko..
eto ni baterya di na napaltan..sayang lang kung iisipin ko

tulad nito aanhin ko pa to ngayon..di ko na ginagamit
   Pero ngayon maingat na ren ako humawak ng pera..iniisip ko future ko ,di lahat ng oras may magbibigay o may kikitain...kahit sabihing residente pa ko dito...
   Di ko pinangarap yumaman .pero kung may chance na yayaman ako bakit aayaw ako.Sa bagay may napundar na naman ako.kahit paano..sa negosyo napalpak nga lang ako dalawang  beses...ngayon saka na lang muna ang business,pagaaralan ko na munang mabute....basta simpleng buhay na lang ang gusto ko...healthy, tahimik at nakakaraos sa araw araw yun siguro okay na . at importante ay walang war sa mundo..importante may peace ka sa puso mo.. importante may tiwala ka sa itaas.
   Kaya mga kababayan..hangga` t kayo ay malakas,paghandaan nyo kinabukasan nyo..mahirap maging tanga at api sa huli.......

Sunday, December 18, 2011

Kailangan ba ng diploma para matuto magsalita ng hapon o ingles o maging matalino?

  Di ko man tanungin sigurado ko, nakapanood na kayo ng mga japanese na palabas sa sinehan ,tv or videos o kaya naman sa internet...hirap unawain no?Buti pa nga ingles kahit mabilis , maunawaan mo..kase kinalakihan na naten ang wikang ingles,kahit di ka ganoon kagaling maunawaan mo at madaling matuto lalo ngat mapupunta ka pa sa bansang wika ay ingles...mahahasa ang iyong salita ,nakapag aral ka man o hinde..
  Paano naman kaya yung nasa Japan? yung iba narrinig ko kinalawang na raw yung ingles na natutunan nila..nakakatawa nga ,kahit saan kase rito puro hapon lalo nung una kong biyahe..ngayon na lang yata may nagiingles sa tren tv at may internet na ren... 
   Date ako nung una ko rito kurtado utak ko sa nihonggo,namis ko marinig yung tagalog at ingles...kaso wala eh.komiks magazines jaryo lahat hapon....paligid mo binibili mo hapon..paano yan  ..pag nag padoctor ka o may susulatan ka na form ,hapon den...pangalan mo sasauluhin mo isulat na parang bahay ng kalapati..ewan kaloka talaga
  ..Noon kase di nila pinagaaralan ang ingles..di raw nila kailangan..kaya naku kahit san hapon suya talaga..Sa tv may ingles man balita ,headline news ba.. ...at halos ng palabas hapon.so mapipilitan kang magaral ng hapon..ako nagaral mag isa,nag sulat ng katakana at hiragana magisa,natuto ng hapon sa kapapanood ng tv..hawak dictionary..wala pa nga noon cable o internet..kaya pag mis ko ingles aarkila ng videos..tagalog wala kang makikita pag may naligaw lulundag ka sa galak...babaw no..totoo yun,nakita ko si tetchie agbayani sa isang foreign movie tuwang tuwa ba ko,na para bang feel ko na may pinay ako nakita ..kase noon kahit sino la ka makita na kalahi naglalakad..malungkot ..ni tindahan wala...kaya pag may nakita ka haharangin mo yata ..
   Ewan,pero ngayon nagkalat na ..kahit san meron para bang damo kahit san sumisibol...restaurant club bars shop disco live house at kung ano ano pa..napakarami na ngayun..malulunod ka sa dami..jaryo magazines tv sa internet etc etc..kaya pag may nakita ka wala lang dedma na..kakahiya na reng ngumiti ba..isnabin ka pa wag na..
  Pero di naman lahat ng kalahi naten nakakapagsalita ng tamang niponggo,mejo mahirap den siguro..ako siguro masasabi ko nasa 80 percent lang yung japanese ko...ewan ...palagay ko lang...mahirap den kase may 3 klase sila ng pagsusulat yung katakana hiragana at kanji..kanji pinaka mahirap at mahirap talaga..sa karaoke mejo saulado ko kse,yung  lyrics.. kaya akala nababasa ko yung kanji..nakakatulong den yung pagkanta ..nagsawa na nga lang ako ng kakakanta kahit di naman songer..may internet na kase .
  Sa ingles naman di naman den ako ganun kagaling,at medyo di sanay gamitin..under graduate den kase ko sa college .naburo pa ,so lalong limot limot na...kaya buti yung iba na nasa bansa na ingles ang lengwahe,may pagkakataon sila mahasa o madevelop..bagay ang importante naman yung  nakakaunawa ka..di yung magaling ka o fluent ka pa..pero inggit ako sa fluent mag ingles...at turn on ako sa guys na matalino,out of topic yata..
  Kaso hindi naman nakikita sa galing ng pagsasalita ang tunay na matalino..nakapagaral ka man o hinde,importante may silbi ka..o nagagawa kang kakayahang talino o isa kang malikhain.yung pagiging creative ika nga...  di porke may diploma lahat alam..yun nga lang maipagmamalaki mong tapos ka...ako tapos ng maligo joke
. Pero may mga bagay akong alam na di alam ng iba ,ang pagiging malikhain ko at pagiging masiyasatin ko.dahil dyan kaya nadadagdagan yung aking kaalaman...mahilig akong sumubok .Pero syempre  sa aking paniniwala iba pa ren yung may pinag aralan..malaking naitutulong yan sa lahat ng bagay,di yung kakapa kapa ka..o yung naiiwan ka ng usapan.para kase yang lisensha ...
  kaya lang may isa akong karanasan na nakakatawa,,nagkukwento ba ko ng usap na parang may kinalaman sa talino..o kinalaman ba sa buhay.kalusugan...hindi ko naman yun ikukwento kung di ko subok o alam.masama kase nito di nya naman kase ko kilala..bagay di ko sya masisisi ...wala syang alam sa usapang kalusugan kase she doesnt look healthy ehh joke..porke ba graduated ka eh ikaw lang may alam....eh usapang facebook lang natawa na ko..intrigahin bako at tanungin ...Saan ka ba nag graduate?sagot ko alin high school o university?
   Grabe.my gosh!.kailangan pala ang nagsasalita ng katalinuhan ay may diploma..well.,inexplein ko pero ako natawa sa kanya..may natapos sya di nya masagot tanong ko napaka simple..
 .Ako kase health conscious na tao..i build muscle i workout a lot ..and have a healthy life style.. unik pero its true..sempre di ko yan gagawen if know nothing di ba..long story eh ..pero ang tanong ko eto..
  Since i am 90 percent vegan..i asked her ..Anong gulay o prutas ang may mga protina..kase nakikipagtalo sakin tungkol sa pagkain ng mga baboy manok o karne..eh hindi ako nakain ng mga yan....importante daw yung protein kase manghihina tayo...natural sabi ko..
eh i build muscle so dapat i take more protein..pero paano ito?..makapag build bako ng muscle without taking protein in my diet?my protein source are all from fruits and vegetables sabi ko...at mga isda ..
  i asked her give me fruits or vegetables that has full of protein? di ako masagot..ewan...kayo alam nyo sagot?  tinapos ko usapan pero...mistulang ewan...thank you guys...palipas oras ko lang galing sa bath kase...have a nice december to all...malapit na ang 2012...ingat po tayong lahat..

At ang tunay na MATALINO ,ay may naachieved in life.. ..gawa muna bago salita..
 babusshh...peace to all..
.kuha sa cherry plantation..

Wednesday, October 26, 2011

Miso

  What is Miso?.Although we all know miso is a fermented paste made from soybeans,and for those who do not know  miso can produced from rice,barley or wheat.And it is very popular in making soup which called the misoshiru.it also can be used for many other things besides soup ,you can make a great marinade from it.by adding different sauce or spices to make a better flavor,can be used in vegetables ,fish,meat or anything you want.
.. But i`m gonna tell you here that miso is not the type of  food that made from your own kitchen,i `m not saying you can`t make miso, Miso making have a lot of hand effort,so the processing method is not quite easy ,that is why most japanese people are contented to buy than make their own miso 
  Don`t you know that Miso maker has its own unique process and has its own secret just to make good miso.so.because of that we enjoy variety of  miso to choose ..
   Some sites telling that  miso has two major types ,the red and the white,But through my experienced on  buying miso ,i noticed there are variety of miso ,it is not only in different brands ,of course with some different flavor too ..so i don't think it has only two types ,i have tried the white miso.the black miso.the red miso,the yellow miso or the brown type. Well,most dark miso is to be the saltier and stronger in flavor ,while the white and yellow is not much strong in flavor,but the popular miso is the one in yellow brown types..
   My favorite miso is from takeya and marukome ..i have tried almost different brand of  miso ,their all  good in flavor ..the issue here is about their cost and ingredients..for me,I am just solid with this two brand..
  . In my hometown its popular using miso in SINIGANG which we called Sinigang sa miso..I love it so much especially in Sinigang in Bangus .Bangus is the most popular fish in the Philippines..
     And we enjoy not only having it in our meal,but eating miso has good benefits in our diet,but be careful not to excess using miso because of its salty taste..it is suggested to watch the amount of miso.
   and for the basic key word ..of how to make good misoshiru or miso soup is the adding of the DASHI stock. or the fish broth ..
i have unique eating ,i put many cayenne pepper 




Bisikleta sa Japan

Buhay Japan: Mahalaga ang Bisikleta sa Japan: Sa atin pag bata ka at may bisikleta ka ,sempre masaya ka , minsan nakikihiram na lang, makahipo lang ng bisikleta..At pag ang gulong mo a...

Monday, October 24, 2011

Front Door Banner Sa Mga Restaurant Sa Tokyo

Ito ay GYUDON ya san..  beef and onion na medyo may sauce na manamis namis..
Nakatuwaan ko lang kunan sa Kameari malapit sa estasyon ng tren ang mga display na ito sa harap ng mga pampublikong kainan dito sa lugar ko...

   Ito naman ay tinatawag na SOBA yasan..it is a .kind of noodle pero masustansnya ito sa lahat ng noodles made from buckwheat flour...niluluto to na parang ramen may mainit na sabaw na gawa sa soy sauce at fish broth ,na kung tawagin ay Dashii..powderized na tuyong isda gaya ng tulingan etc..sa ibabaw nillagyan nila ng iba ibang topings depende sa panlasa na may gustong kumain nito...usually tempura nilalagay nila .lalo na yung hipon..kay sarap ano...at may hiniwang malilit na onion spring ..o negi kung tawagin dito..
    Pag summer naman inaahin ito ng malamig ,may sawsawan na timpla sa broth ng isda..at manghang na halo..inad ad na wasabi or ginger .tapos mayroon den budbod na nori...its a kind of sea weed na pinatuyo na parang papel. ,na kilalang gamit sa Onigiri..yung maitim na nakapalupot sa kanin .o rice ball.
may kanya kanya silang timpla,ang pilipino pag bago sa japan hindi sigurado gusto lasa nito..
     Sa  loob ng eroplano naman,Malimit itong  kasama sa pagkain na iniiahin sa mga pasahero. Subalit makikita mo na halos tira at naiiwan ang soba sa pinagkainan nila...marami nagsasabi di nila type ang lasa.nito..pero yung matatagal na rito, nasanay na ren at nagustuhan naman nila ang lasa nito...Ako mahilig na ren sa Soba kaysa Ramen..lalo na nga`t maraming gulay sa ibabaw..yum yum..

TENDON yasan..shrimp tempura ito na may rice sa ilalim..

Ito yung GYUDON house

SUSHI restaurant...famous yan diba basta japan...

UDON yasan...noodle den mejo may kaibahan sa lahat ng noodles
  • pagkaing hapon di naman ganun kasarap pero hanap hanapin mo ren...pag matagal ka na sasabihin mo Tabetai...masarap naman talaga..

Sunday, October 23, 2011

Mahalaga ang Bisikleta sa Japan

  Sa atin pag bata ka at may bisikleta ka ,sempre masaya ka , minsan nakikihiram na lang, makahipo lang ng bisikleta..At pag ang gulong mo ay tatlo ibig sabihin bata ka pa..dito pag di ka marunong mag balanse ng dalawang gulong ,may karapatan ka pa reng magbisikleta, Tatlo nga lang ang gulong mo ,nakakatawa ano!
  Magkano ba ang isang bisikleta  may pangalan o wala.. dito siguro masasabi ko ang pinakamura ay nasa isang lapad o 10,000 yen..magkano saten iyan? mahigit limang libo hmm..Ang pinakamahal dito ay wag nyo nang itanong,at baka ang sasabihin nyo ay,bibili na lang ako ng motor bike..Gayunpaman.dito ay may mga second hand ren naman na nabibili,marami ren ditong recycled shop na nagkalat ..okey sa nagtitipid di ba!
   ,Sa atin kase ,di masyadong popular ang paggamit nito halos ngayon naka motor bike na ren ,Pero may mangilan ngilan lang akong nakikitaan,yung iba ginagawang ditadyak kung tawagin ,ibinibiyahe nila na katulad ng trycicle,swak na pang kabuhayan na ren pala..
   At kung bisikleta ang paguusapan,dito sa Japan siguro ang bisikleta ay para na reng trycicle wala nga lang bayad ,maganda ren ang silbi ng bisikleta lalo na nga at ang bahay mo ay malayo sa pamilihan ,di imbes na maglakad o magtaxi,o di kaya ay  gamitin ang kotse mag bisikleta ka na lang...makakamura ren di ba.at kung madalian lang naman ang patutunguhan mo,ayos na ayos ang bisikleta.
  Dito nga,Matanda man o bata ay gumagamit ng bisikleta,Sa bahay ko nga, lahat kami may kani kaniyang bisikleta . Sa maniwala ka o hinde kahit naka necktie o naka mini skirt nag bibisikleta dito.  may payong pa ngang hawak,lakas ng loob no..ako gingawa ko ren lalo na pag umuulan at napaka tindi ng init ng araw,.
  Pero ngayon medyo nag higpit ang batas ng Japan,Siguro para na ren makaiwas sa aksidente,May mga ina ren kaseng makikita ka na angkas ang anak nakasakay, harap at likod pa...Nakakatakot tingnan, may mga bagong bisikleta akong nabalitaan para sa mga may bitbit na anak .
     Marami na ren kaseng aksidente ,.kaya di maiiwasan ang maghigpit ang batas ng Japan at lalo na ren yung mga nakainom ay naku! pag nahuli ka ka patay kang bata ka,penalty siguro ewan di ko pa naranasan kaya hindi ko alam.....Magiingat na lang syempre.
    Sa aten naman kase kahit may bisikleta lagay mo lang sa tabi pag balik mo mawawala ng bigla..dito naman kase may mga parking area mayroong libre, mayroon den namang orasan ang bayad,para na ren sa mga nagtatrabaho at kung ang bahay nila ay malayo sa estasyon ng bus o tren..malaki naitutulong ng bisikleta sa mga hapon.
   Kaya lang pag hahamba hambalang ang bisikleta mo at wala sa tamang pag park...may mga taong kumukuha nito ,nililinis ba nila yung kalye sabagay tama naman yung batas nila..sa dami ng bisikleta dito nagkalat at istorbo sa daan ..Ako nga ilang beses na nakuhanan ng bisikleta ,ayun tutubusen mo sa pinagdalahan, sa halagang  3000 yen ..noon pa yon, ngayun di ko na alam...isa pang batas ng paggamit nito pag madilim na dapat may ilaw yung bisikleta mo kunde lagot ka..at may insurance na ren ang mga bisikleta dito..kaya maganda ren ang patakaran nila .batas eh,kaya nararapat lang sunden.
    Sa pilipinas malabong maging popular ang bisikleta , at isa pa  masikip den ang kalye sa aten..Sigurado lang na  malapit sa sakuna  ,kaya mabuti pa.maglakad na lang tayo o magtrycicle, safe pa....ha ha ha..
Iyon kayang di padyak? di kaya iyon dumami ??
 
ilan lang to sa nakunan ko ..di pa to ang grabe..

Fruits And Vegetables in Japan