Showing posts with label Kwento ko. Show all posts
Showing posts with label Kwento ko. Show all posts

Friday, February 15, 2013

Masaya ka ba sa Valentines Day ?

Kahapon kakatapos lang araw ng mga puso.wari ko ba normal lang sa akin ang mga ganyang okasyon...wala lang halos sa bahay lang naman ako nagbuburo,siguro kayo may mga gimik laboy ,party o date?

Noong ako dalaga pa syempre nararanasan ko yang mga gimik o date barkada man o kasintahan,ngayon may asawa na ko...mapalad na lang kung kayong mag asawa is sweet pa ren until now,ako di ko naman dapat ikwento ,pero di na kami sweet ,ang korny nga eh,dahil bukod kami ng room,ibig kong sabihin para na lang kaming magkaibigan.ganun yata dito sa Japan..Kapag tumatagal nag kakalamigan na..Ang totoo naman okay lang sa akin dahil ayoko ren ng may katabi,ewan korny sila o i mean boring..no offense sa mga hapon,siguro di naman lahat..pero usually yan ang naririnig ko sa lahat halos ng Pilipina dito sa Japan..anyway..

Ang Valentines dito sa Japan ay puro Pula ,Puso at puros chocolates ang makikita mo sa loob ng mall o mga shop,..kaloka sa tamis ,di ba masirang ngipin nila dyan!!...At yan ay lahat ay for the boys only...VALENTINES Day sa Japan ay para sa mga Boys po...alam nyo ba yon??? my gulay..
kalurkey na occasion nyan oo...

Kahit sino pwedeng bigyan kahit asawa mo.,anak mo,kaibigan,katrabaho basta lalaki...ako???
wala akong binigyan,di kase ko naniniwala dyan sa ganyang kaugalian ,sabagay not the gift na lang,not the tradition but the feelings siguro..para paramdam mong my care ka or concern or may love or papansin lang ha ha ha..whatever...Araw man nyan ng puso,wala na kong paki,basta ang puso ko ay dapat lang na maging healthy at di ma hurt ,you know di ba..

Anyway,belated Happy Valentines day sa mga singgle o mga mga loveless dyan...At sa mga inlove na ren..he he he..

happy valentines day

mga Valentines chocolate gifts sa mall sa Japan 

busy ang mga babae sa pagpili ng gift sa valentines Day /Tokyo

....

Friday, November 23, 2012

Kapag walang Internet Access..Anong feelings mo?

Hay...Di ko carry yan mga chang...yung feelings na akala mo nawalan ka ng importanteng bagay sa buhay mo..o kaya talo pa yung atakihin ka sa puso at magsisigaw ka sa shock...

In my case ...hindi ko naman naranasan mawalan ng internet connection ..maliban na lang sa katangahan ko hindi ko pala na kasaksak yung power on na kurdon ko o kaya naman ,sa pag aapura ng makapag online minsan hugot pala yung kurdon ...eh kase this time hinde ..hay kaloka itong karanasan ko at napakahirap na feelings..di ko maidescribe how difficult na wala kang internet connection for a weeks ...gosh nakakabaliw..parang gusto mong mangagat o manabunot o sumigaw ng DARNA...ha ha ha..di nga......sa mga adik sa computer naintindihan nila yan..lalo na nga at daily routine mo ang internet...or yan lang yung munti mong kaligayahan..kaibigan or in my case halos its part of my life na..internet is my best friend my only trusted things in my life....my kayamanan..mawala ng lahat ,wag lang internet joke....syempre i love my family..what i mean,internet is pag nawala i feel i lose my energy my happines ,or my everything..sa totoo lang...

Yung feeling na para kang naligaw sa isang lugar na di mo alam gagawen mo...but anyway,i think nakatulong sa akin ang ibig sabihin ng salitang magtiis,maghintay,maging mahinahon,maging cool...medyo mahina kase self control ko ba..madali akong mabugnot o mairita...

well dahil sa nawalan ako ng connection,nanahimik ako,naglinis ng bahay,nagluto ng kung ano ano...kinulikot ang di pa naliligpit na kalat ng bahay..nagmuni muni....nag unwind sa nature..etc etc..

after a few days siguro mga ten days nakabitan na ko ng internet grabe....palakpak tenga ko..oh my .Ang reason po kase kaya ko naputulan di naman ,na hindi ako nagbabayad...nag change ng payment method ang network ng internet ko..which di ko pinansen...dapat pala update ko yun at maf fill up ng form kung sa bank o credit card ko babayaran...
Eh ang lola no paki..inabot ng 3 months ..naghintay yata sila ng form mula sa akin..so ayun after end of october pinutulan ako ..hapon ng alas singko ..hu hu hu..
parang sasabog utak ko..kase umaga naka access pa ko then nag shopping lang ako...tapos waahhh..
pag uwe ko di ko na mabuksan internet ko..i thought sablay lang yung mga suksukan ko or something wrong lang sa network..yun pala ..yun pala..pinutulan na ko...hu hu hu..

Syempre tumawag ako...and the story yun na nga inexplein sa akin..but totoo nagalit ako,sinabi ko bat hindi man langf binigyan ako ng warning or reminding na puputulan ako kase ..KAASAR TALAGA.


pencil drawing