Thursday, December 25, 2014

Japanese Kimono First Time?

After so many years ko rito sa Japan..why ngayon ko lang naisipan ang magsuot ng Kimono?
Noon kase parang nababaduyan ako ,tapos parang kahirap kumilos o lumakad,i heard sakal daw sa katawan ang Kimono parang suman na balot na balot at mahigpit ...
Iniipit ang dibdib,sabi ng isa kong friend di ka raw makakain ng maayos...ganun ?

Now 2014 December,ako na mismo ang sumali sa isang events ng Wearing Kimono dito sa parte ng Tokyo ( Asakusa ) isang sikat na lugar lalo na sa mga turista..

Ang masaklap tag lamig na nga aba ey...umuulan pa ,eh di ayun ...lakad kaming grupo kahit umuulan, nakapayong kami ,minsan humihinto ang ulan na pabugso bugso..
At sobrang ginaw...pero sobrang nagenjoy kase puro ako kalokohan sa suot kong kimono..
Kahit sabi nilang dapat mahinhin ang lakad o dapat kumilos ng parang Haponesa..Ang ginagawa ko nagpapatawa ako,ewan ko ba," Ang Kulit ko Daw"



It was December 20 ,Before the event ...inimbitahan kong sumama sa akin ang friend kong indonesian na mahilig sa mga ganitong trip..at lalong naging exciting kase di ako nag iisa..
"so early morning kami umalis mga 9 AM...Bumiyahe kami papuntang Asakusa ,sakay ng Bus ..almost 45 minutes ang biyahe..
Wala kaming Kilala sa Grupo pero they're all nice naman.may black na lady ,singaporean.japanese at thailander ang nag organized ng event..may ilang lalaking kasama which is sila ang mga cameraman namin..at mga expert ..pero syempre may dala ren kaming sariling camera ..just incase para maraming maipon na mga pictures...

Unang ginawa namin.ay isa isa kaming binihisan ng mga matatandang haponesa..at bongga ha..Marunong mag inglis ang mga Lola hahahh naloka ako..
May rental para sa hairdo na flowers which is 100 yen,at free hair style na simpleng ayosan lang ..at sariling make up or kahit wala na...

Ang Kimono ay mga rental lang at hindi mga bago, so mura ang binayad namin lalo na by group..
nasa halagang 3000 yen ay may Kimono fashion ka na..mamili ka lang ng design at kulay pati na ang sukat na tugma sa katawan ay sila na bahala na magbibihis sa yo...
Dahil nga hindi mo ito maisusuot ng mag isa..ewan ko na lang kung hindi ka mastress
"..ang daming cheche bureche bago mo ito maisuot lahat..."



Around 12 PM..nag lunch kami sa isang Japanese Restaurant..at ang kinain ko ay Green Salad lang,ayokong mabusog...Takot mag CR..so ayun..Picture Picture na lang ako...



After ng Lunch,Ikot ikot,lakad lakad...Picture Picture..

Ang nakakatawa naging Attraction kami ng mga turista,andyang kunan kami ng video at kunan ng picture at may nagpapakuha ng picture kasama kami...hmmmm ..kakalat litrato ko ?? hahahhh


Sobrang saya ng araw na ito.kahit umuulan at malamig...Hindi ko malilimutan ang unang karanasan ko sa pag susuot ng Japanese Kimono..and I'm sure masusundan pa ito ng ilang beses..
Type na type ko at para sa akin nakaka alis ng stress .".Sobrang Saya .Promise"


Kita nyo naman ang mga ngiti ng grupo...

my indonesian friend 

At narito ang ilan sa picture na kuha ng mga expertong cameraman..
(here are some photos taken from our group photographer )




At isang Emo emo na picture ko ...



That's the story behind my first time of wearing KIMONO..



........SHIAWASE ...Happy Kimono day to all "





No comments:

Post a Comment