Sunday, October 23, 2011

Mahalaga ang Bisikleta sa Japan

  Sa atin pag bata ka at may bisikleta ka ,sempre masaya ka , minsan nakikihiram na lang, makahipo lang ng bisikleta..At pag ang gulong mo ay tatlo ibig sabihin bata ka pa..dito pag di ka marunong mag balanse ng dalawang gulong ,may karapatan ka pa reng magbisikleta, Tatlo nga lang ang gulong mo ,nakakatawa ano!
  Magkano ba ang isang bisikleta  may pangalan o wala.. dito siguro masasabi ko ang pinakamura ay nasa isang lapad o 10,000 yen..magkano saten iyan? mahigit limang libo hmm..Ang pinakamahal dito ay wag nyo nang itanong,at baka ang sasabihin nyo ay,bibili na lang ako ng motor bike..Gayunpaman.dito ay may mga second hand ren naman na nabibili,marami ren ditong recycled shop na nagkalat ..okey sa nagtitipid di ba!
   ,Sa atin kase ,di masyadong popular ang paggamit nito halos ngayon naka motor bike na ren ,Pero may mangilan ngilan lang akong nakikitaan,yung iba ginagawang ditadyak kung tawagin ,ibinibiyahe nila na katulad ng trycicle,swak na pang kabuhayan na ren pala..
   At kung bisikleta ang paguusapan,dito sa Japan siguro ang bisikleta ay para na reng trycicle wala nga lang bayad ,maganda ren ang silbi ng bisikleta lalo na nga at ang bahay mo ay malayo sa pamilihan ,di imbes na maglakad o magtaxi,o di kaya ay  gamitin ang kotse mag bisikleta ka na lang...makakamura ren di ba.at kung madalian lang naman ang patutunguhan mo,ayos na ayos ang bisikleta.
  Dito nga,Matanda man o bata ay gumagamit ng bisikleta,Sa bahay ko nga, lahat kami may kani kaniyang bisikleta . Sa maniwala ka o hinde kahit naka necktie o naka mini skirt nag bibisikleta dito.  may payong pa ngang hawak,lakas ng loob no..ako gingawa ko ren lalo na pag umuulan at napaka tindi ng init ng araw,.
  Pero ngayon medyo nag higpit ang batas ng Japan,Siguro para na ren makaiwas sa aksidente,May mga ina ren kaseng makikita ka na angkas ang anak nakasakay, harap at likod pa...Nakakatakot tingnan, may mga bagong bisikleta akong nabalitaan para sa mga may bitbit na anak .
     Marami na ren kaseng aksidente ,.kaya di maiiwasan ang maghigpit ang batas ng Japan at lalo na ren yung mga nakainom ay naku! pag nahuli ka ka patay kang bata ka,penalty siguro ewan di ko pa naranasan kaya hindi ko alam.....Magiingat na lang syempre.
    Sa aten naman kase kahit may bisikleta lagay mo lang sa tabi pag balik mo mawawala ng bigla..dito naman kase may mga parking area mayroong libre, mayroon den namang orasan ang bayad,para na ren sa mga nagtatrabaho at kung ang bahay nila ay malayo sa estasyon ng bus o tren..malaki naitutulong ng bisikleta sa mga hapon.
   Kaya lang pag hahamba hambalang ang bisikleta mo at wala sa tamang pag park...may mga taong kumukuha nito ,nililinis ba nila yung kalye sabagay tama naman yung batas nila..sa dami ng bisikleta dito nagkalat at istorbo sa daan ..Ako nga ilang beses na nakuhanan ng bisikleta ,ayun tutubusen mo sa pinagdalahan, sa halagang  3000 yen ..noon pa yon, ngayun di ko na alam...isa pang batas ng paggamit nito pag madilim na dapat may ilaw yung bisikleta mo kunde lagot ka..at may insurance na ren ang mga bisikleta dito..kaya maganda ren ang patakaran nila .batas eh,kaya nararapat lang sunden.
    Sa pilipinas malabong maging popular ang bisikleta , at isa pa  masikip den ang kalye sa aten..Sigurado lang na  malapit sa sakuna  ,kaya mabuti pa.maglakad na lang tayo o magtrycicle, safe pa....ha ha ha..
Iyon kayang di padyak? di kaya iyon dumami ??
 
ilan lang to sa nakunan ko ..di pa to ang grabe..

No comments:

Post a Comment