Showing posts with label Buhay abroad. Show all posts
Showing posts with label Buhay abroad. Show all posts

Sunday, March 3, 2013

Sabik ka bang Umuwe Sa Pilipinas?

Paalam muna Tokyo ,Japan...

Sa tinagal ko ren namang pagtira dito sa Japan,Umuuwe naman ako lage,pabalik balik para magbakasyon sa Pilipinas, Sa ngayon halos 2 years na ren di ako umuuwe..so ang plano ko uuwe muna ako at iiwan ang Japan,para mag relax at gamutin ang utak kong punong puno ng stress at mga nararamdamang lungkot ..

Siguro matatagalan ako sa atin,kumuha kase ako ng one year na ticket..so hindi ko alam until when ako sa Pilipinas,plano ko lang makita ang pamilya ko ,at makasama naman ng matagal...at isasama ko yung bunso kong babae,kawawa naman kase ang buhay ng mga bata dito halos kaunti na ang kaibigan,wala o mangilan pa ang kamaganak...halos di pa nagkikita,eh baka masiraan ng bait kami dito dahil wala kaming nakikitang tao,kung hindi kami lalabas ng bahay...Malamig den kaya nakakatamad lumabas,

Ang isa pang problema ,mailap ang anak ko sa tao,na pati ako nahawa na,nawala na yung hilig kong maging laboy at palabarkada o gumimik..medyo nagsawa na ren yata...Baka kung sa aten ako uuwe ,may mabago sa amin ng anak ko,2 ang anak ko ,isang babae at lalaki...yung lalaki ko may girl friend na,so bihira na itong umuwe ,nakikipaglive in na....di mo naman pwedeng awatin..pero pinapayuhan ko na lang kase mga bata pa...at hiniling ko ng una kong nakita yung gf ng anak ko,ay dalawin kami sa Pilipinas sa araw ng bakasyon nila sa work..okay naman yung girl ,so medyo nawala yung pagaalala ko..

Ngayon heto nasa harap ako ng computer,di makatulog ,tuliro,dahil malapit na nga ang uwe ko sa atin,sabik at maraming iniisip,plano at siguradong gastos ....masaya naman kahit ganun sa atin..importante walang sakit,kaaaway,may takot sa Diyos,walang giyera,walang kalamidad o ligtas sa lahat ng kapahamakan....yun lang ang lagi kong panalangin,kahit kokonte ang yaman,magsama ng masaya at may pagkakasundo,ang blesssing panginoon ay di nawawala..basta manalig ka lang at magtiwala syempre ayun sa iyong ginagawa na ayun sa kanyang salita..

So,ang Mr. ko at ang panganay ko iiwan ko muna sa Japan,my Computer at Cell phone naman para makontak..at lage nalang magdasal para di mag alala ..minsan ganun kase ako lalo na malamig dito,pala lindol,..naiisip ko ang trabaho ng asawa ko at anak ko..alam kong hindi madali par sa kanila,ang sabi ko nga sa anak ko..Kapag yumaman si mama kukunin kita at di ka na magtatrabaho sa Japan..

Sana naway matupad ang pngarap kong maklsama ko ang aking anak at asawa sa Pilipinas ,kasama ng aking mga kapatid at nanay ,wala na kase si tatay..so mga hipag at pamangkin ko ay namimis ko na...

hanggang dito na muna ang kwento ko...see you ulit sa susunod kong

mamimiss den kita Tokyo

paalam muna Japan

Monday, February 11, 2013

Ang Snow sa Tokyo

   Ang totoo mga kabayan..Bihira nyong makikita ang snow sa parte ng Tokyo ,halos isang beses lang isang taon ito bumagsak ,maswerte na kung 2 o 3 beses itong maguulan ng snow...usually ito ay nangyayare kapag buwan ng enero,Febrero at Marso...This year 2013 ay naka 2 na ang snow sa Tokyo ,last January 14,napakalakas at makapal...subalit hindi naman kasing kapal ng nasa bundok dito,tulad ng sa Hokaido..doon ay hindi pwedeng hindi nag iisnow ..iyun ay lugar talaga ng Snow,kaya isa ito sa pinakamalamig na parte ng Japan ang Hokaido...brrrrr..

  Personally speaking,i don't like snow,noong una syempre excited at tuwang tuwang...Ngayon ang masasabi ko ,madumi sa kalye at napakalamig ,Nagpuputik kase ang kalye kapag natutunaw ang snow..bukod doon ,madulas ang kalsada ..maglakad ka man o nakabisikleta..at delikado sa mga sasakyan......Sa isang katulad ko na mahina sa lamig,Hindi ka makalabas dahil sa manginginig ka nga sa lamig at kailangang makapal ang iyong suot mula paa hanggang ulo...eh hindi ko pa naman hilig ang balot na balot na para kang suman...kung pipili ng klima mas gusto ko ang summer talaga..

  Matawa man kayo o hindi sa halos twenty years ko dito bibihira nyo akong makikitaan ng pictures sa snow,nagtataka nga ang pamilya ko sa amin ..bakit wala daw akong pictures sa mga snow...ang totoo, gusto ko,dahil nga sa sa sobrang lamig ,nakakatamad ang lumabas...minsan namang mapalabas ako ....na gusto kong magpapicture ay ,may kamalasan den,kunde wala akong dalang camera,low bat ang camera ko ...ha ha ha kaloka no?

  Ang snow po sa mga hindi pa nakakakita ay hawig at katulad po ng yelo sa loob ng freezer..yun nga lang kokonte at nasa loob ng fridge pa..di mo manamnam ang feelings ng paligid ng puting puting yelo....di tulad ng snow ,ang gandang tingnan ito habang ,bumabagsak o umuulan ito,tambak at nagkalat sa kalye,na sya namang kinatutuwa ng mga bata o mga taong sabik makakita ng snow..andyang may nag pagulong gulong sa snow,batuhan,gumawa ng snow man at ano pang pwedeng ilaro sa snow...like skiing ...ako malabo mahilig diyan .dahil alam kong malapit sa sakuna at isa pa,ayaw ko talaga ng malamig at magbalot ng napakaraming suot...magburo na lang ako sa kwarto at uminom ng green tea...

yan ang nakuhan ko ng snow sa lugar namin..lowbat ng camera ko dyan..january 14,2013

Tokyo snow 2013 of January
   Ngayon ay February na,malamig pa ren at napakalamig lalo na sa umaga..Hindi ko ren alam kung mag iisnow pa sa Tokyo this year..pero hanggang March ay winter pa dito sa Japan..At kung sakaling magsnow ulit..Sana naman makaranas na kong Magpapicture kahit hindi ko type..

  Makagawa man lang ng souvenir ,baka hindi na ko makakita ng snow,dahil may plano na kong umuwe ng Pilipinas...

   Ngayon ay alas 6 ng umaga na,maaga akong nagising..at sobra pong lamig sa kwarto ko...kaya binuksan ko ang heater ..tulog pa ren ang aking mga kasama..at hindi na ko makakatulog nito at eto,nagcomputer na lang...
  Okay !! Mga kabayan babush na ,at makapag mainit at iinom ako ng hot green tea muna...




Sunday, December 30, 2012

Ano ang December ko sa Japan

As in wala ...wala lang ...para sa akin ..katulad lang ng araw araw kong pamumuhay..naiiiba lang ,yung mga paninda is puro may design ng pang pasko...

wala lang..xmas tree sa mall.,.tokyo japan

dito sa japan instead spirit ng christmas ang iniisip nila ..ay hindi po..para sa kanila isa lang itong kaugalian ..isang holiday na pinaghahandaan....hindi nila halos alam ano ba ang christmas...
dito sa japan kapag xmas kailangan may cake ang bawat pamilya..hindi ko alam kung bakit..
may chicken sigurado ...at kung ano ano pa...

pero yung pamasko sa bata ay is normal na..like mga gift but not money...di rito uso yung namamasko kahit kangino..sa tin lang yata yon ..ewan sa ibang bansa...

kapag araw naman ng new year dito ..ayun inugali ng hapon na bigyan ang mga bata ng konteng pera..malaki man o maliit na halaga ..depende sa magbibigay...usually mga kamag anak lang at kakilala yung nag bibigayan ng ganito..
sa atin kahit di kilala namamasko diba...dito hindi pasko but pag new year..they give children a cash money ..na nakalagay sa small envelop ..they called it otoshii dama ,,

so,ganun dito..minsan kahit ako binibigyan ng my mr ko..pabiro lang ba..bata isip daw kase ko kaya  kasali na ren daw ako..sa totoo lang wala siguro syang mabigyan pang iba...kokonte yung kaibigan nya at iilan lang yung pamangkin nya..so kami kami lang..di tulad sa atin baranggay yung bibigyan mo ...

eh actually i dont celebrate christmas or new year..i dont believe in tradition but i just follow the flow...i have a personal reason for that....nakakaalam niyan is yung mga halos sanay sa pagbabasa ng scriptures..you know what i mean..

anyway...eto bahay lang kami...kulong sa kwarto...mas happy pa mag computer kesa lumaboy dito...at sawa na ren ako bumarkada o gumimik...malamig na sa labas..magastos pa...

hmmmp manahimik na lang sa bahay,may food naman..safe pa..tahimik nga lang ..pero ganito na talaga buhay ko...some pinoy and pinay here in japan syempre..nag gagather sila,celebrate nila ang december.....but ako okay na mabulok sa kwarto...ewan...ko ba...mas gusto ko ng tahimik na lang...

babawe na lang ako kapag nasa pamilya ko na ako sa pinas...di ko feel na dito...long story kung ieexplain ko pa.....im more relax and feel in peace kapag nanahimik in my room...with my kids syempre ..okay na yun..safe sa lahat ng sakuna..ligtas sa sakit,gulo o anumang kalamidad...

basta happy man o hindi ang december ko dito...i just thank God, that i'm still healthy,safe sa loob  ng bahay ko...walang kaaway, walang utang,walang istorbo...at tahimik sa mga pakialamero lolz..

marami den kase chismosa dito which i hate very much...bahala sila...he he heh..
anyway......God bless to all mga kabayan....san man kayo sulok ng daigdig...always pray at maging kontento sa buhay ......at magpasalamat lage ano man mayroon kayo sa buhay nyo...

bored pero okay na ren..kesa mastress sa mga ingay ...i mean sa mga barkada...wala na ko hilig sa gimik kase...
gusto nyo makakita ng video sa loob ng mall dito sa japan kapag araw ng pasko...

watch and click the image below lang...



ganyan sa loob ng mall o super market dito sa lugar ko...enjoy ....

babushhhh...tamad na ko mag type,,,,,next time ulit.....

Saturday, September 22, 2012

Ang Sauna sa Japan..Kwento ko sa inyo

Wala lang...napaaga kase ako ng punta sa Sauna ..o furo yasan kung tawagin dito dahil..3:30 ang bukas nito araw araw ..at nagpunta ako ng 3 o clock so medyo maghihintay ako..kaso iabot ako ng ulan..eto nangyare sa akin ..wala ren akong dalang payong....

So naupo na lang ako sa isang tabi at naghintay ng oras,,dahil may dala kong camera ...heto at panooring nyo...mukha lang naman akong ewan ..Lolz..

Click the image below..if you want to watch my video blog...about this topic..






one photo of me...jane.............

Sunday, September 2, 2012

Perang Pinaghirapan Dapat Ingatan

Gusto mong umasenso o yumaman...??
Paano ba nga? ..Ang alam ko nasa diskarte yan ng tao..Una dapat hindi ka maluho,marunong kang magbudget ng pera mo...hindi porke may hawak kang pera ,one day millionaire ka na...Sa panahon pa naman ngayon ang daming gipit o walang trabaho...mayroon man gipit at kulang ...kaya hindi naten masisisi na marami ang nagsisipag abroad para makipagsapalaran...


Subalit wag nyong agad iisipin na porke nasa abroad ay mapera, Ay naku ang alam ko marami dyang gipit pa ren at yung iba baon sa utang.......mapalad na lang yung talagang malalaki ang sahod at yung marunong humawak ng pera ...

Kung may pagkakataon ren lang na makahawak kayo ng pera ,ay dapat isipin nyo ito kung paano ito madadagdagan..i mean..kahit malliit na negosyo...pagaaralan at pagusapan ng hindi kayo pumalpak..
naranasan ko na po kase ang apurahang business ayun inabot lang ng apat na taon...wala na...
  so ngayon ,leksyon na sa akin ang mali at ano man ang dapat kong baguhin o gawen sa susunod kong pagnenegosyo...importante po ang...location,yung inenegosyo nyo..klik ba o kilala, magkano yung pwesto ,makakaya ba o hindi ng budget....magingat sa mga tauhan ..wag basta magtitiwala.....
.. kung ikaw ang nagpundar ,mas mabuting ikaw ang mag manage..mahirap basta ipagkatiwala....karamihan wala sa puso nila ang pag aasikaso palibhasa hindi sila ang namuhunan...
   Kapag nalugi ang mabigat ang kalooban ay yung gumastos..sila walang paki....ewan ko na lang kung totoong concern kahit pa ito ay kamag anak mo...

yon lang po.........isipin at planuhingt mabuti bago mag desisyon o mag simula ng negosyo.....
Jane......~.^