laruan ng pusa ay pusa ren na manyika |
Pet store sa Tokyo on demand |
May mahilig ba sa inyong mag alaga ng aso at pusa..?o may aso at pusa ba sa bahay nyo?..pero hindi mo alaga,parang wala kang paki..o hindi mo gusto kaso gusto ng kasambahay mo..?
Noong maliit ako ang pusa at aso na nakagisnan ko na pag papalaki ay kung ano na lang ang natira sa kinain , ay iyong pinakakain sa kanila...sabagay di ko hilig mag alaga at wala akong hilig sa hayop .so hindi ko alam talaga paano inaalagaan ang mga ito.
.
Aso at Pusa sa Pilipinas Paano tratuhin?
Nagkalat sya diba..kahit saan malaya silang nag kakagulo sa kalye,binabato..hinahabol,kinatutuwaan..pinapakain ng kung ano na lang...May iba naman sinasaktan,pinag mamasdan at pinag lalaruan sila...pag minalas naman may lumalason ..at yung malupit pa nito, huhulihin dahil nagkalat sa kalye..ewan kung ano ang gagawen o saan dadalhin..ni hindi ko iyon iniisip...nalaman ko na lang .na kung hindi ikulong o ibenta at gaweng pagkain......pero change talk ayoko ng ganitong usapan..
Anyway..may magandang mag alaga sa aten at may balewala lang...gastusan man nila o hinde.
Sa Japan paano nila tratuhin ang aso at pusa?
Ang alagang hayop dito ay hayop na kung hayop....iba ang trato ng mga hapon dito...ito ay isang pamilya tratong makatao at hindi hayop
Pinapakain nila ito ng pagkaing hindi tira o luma,kung ano ang kinakain ng tao ganoon den sila ang kaso bukod yung bilihang ng food nila..yes, my pet store sila.at on demand ..bongga no?,binibihisan nila ito,pinalliguan,dinadala sa pagamutan kung may ,may dentista ren ,at mga spa para sa kanila, pati sa kuko at balahibo ay may parlor den..sosyal no? nag de date den ang mga ito ihahanap ng magiging asawa..syempre yung amo ang nakikipag kontak..may ganitong association dito..weird no?may kasalan pa yan nakakatawa .
May mga bahay alagaan den na binabayaran,may hotel den sila at may ceremony ng kasal hanggang sila ay mawala sa mundo ay tratong makatao...iniiyakan nila ito..
Isang anak na trato karamihan ang turing nila sa hayop ,hinahalikan ,niyayakap kasabay pang matulog at kasabay pati maligo...natural kinakausap den nila ito at tinuturuan dumumi o umihi..binibili den nila ito ng sariling laruan...samantalang sa aten abutan mo ng buto okay na..
Malungkutin ang mga hapon,lalo ng walang anak o nagiisa sa buhay..so ganun na nga... At kung ano ano pang pag mamahal ang pag aalaga nila dito..
Sikat at artista ren ang aso at pusa.
At ang pinamagandang nagagawa ng pusa o aso dito bilang reward ng mga nag aalaga sa kanila..
may hayop kase na sadyang nakakatuwang tingnan maganda at gwapo talaga..so nakukuha silang model sa tv magazine ,kita mo...showbis den sila..kumikita ang mga ito..naisasali sa kontes at may premyo kasama ng mga plake at tropi..
hmmm..may mga silbe ..yan isa lang sa aking kwento.,marami pa sigurado akong magagandang kwento tungkol sa mga pet..pero hanggang dito na lang ang kwento ko mahaba haba na ren itong tina type ko..
Kayo ba..kung wala kayong anak o kasambahay...mag aalaga na ba ren kayo ng pusa o aso.?
Nagpunta ko sa pet store ..tingin tingin..ang dami na kung ano ano ,laruan at pagkain..may diaper pa
..watch this video..
Japanese lesson
Aso or dog...> INU
Pusa or cat....>NEKO
Maliit na pusa or baby cat/kitten...>KO NEKO..{koneko}
Maliit na aso o baby dog /puppy....>>>>KO INU
Pet or alagang hayop.......PETO
Animal o hayop....>DOUBOTSU
No comments:
Post a Comment