Sunday, March 3, 2013

Sabik ka bang Umuwe Sa Pilipinas?

Paalam muna Tokyo ,Japan...

Sa tinagal ko ren namang pagtira dito sa Japan,Umuuwe naman ako lage,pabalik balik para magbakasyon sa Pilipinas, Sa ngayon halos 2 years na ren di ako umuuwe..so ang plano ko uuwe muna ako at iiwan ang Japan,para mag relax at gamutin ang utak kong punong puno ng stress at mga nararamdamang lungkot ..

Siguro matatagalan ako sa atin,kumuha kase ako ng one year na ticket..so hindi ko alam until when ako sa Pilipinas,plano ko lang makita ang pamilya ko ,at makasama naman ng matagal...at isasama ko yung bunso kong babae,kawawa naman kase ang buhay ng mga bata dito halos kaunti na ang kaibigan,wala o mangilan pa ang kamaganak...halos di pa nagkikita,eh baka masiraan ng bait kami dito dahil wala kaming nakikitang tao,kung hindi kami lalabas ng bahay...Malamig den kaya nakakatamad lumabas,

Ang isa pang problema ,mailap ang anak ko sa tao,na pati ako nahawa na,nawala na yung hilig kong maging laboy at palabarkada o gumimik..medyo nagsawa na ren yata...Baka kung sa aten ako uuwe ,may mabago sa amin ng anak ko,2 ang anak ko ,isang babae at lalaki...yung lalaki ko may girl friend na,so bihira na itong umuwe ,nakikipaglive in na....di mo naman pwedeng awatin..pero pinapayuhan ko na lang kase mga bata pa...at hiniling ko ng una kong nakita yung gf ng anak ko,ay dalawin kami sa Pilipinas sa araw ng bakasyon nila sa work..okay naman yung girl ,so medyo nawala yung pagaalala ko..

Ngayon heto nasa harap ako ng computer,di makatulog ,tuliro,dahil malapit na nga ang uwe ko sa atin,sabik at maraming iniisip,plano at siguradong gastos ....masaya naman kahit ganun sa atin..importante walang sakit,kaaaway,may takot sa Diyos,walang giyera,walang kalamidad o ligtas sa lahat ng kapahamakan....yun lang ang lagi kong panalangin,kahit kokonte ang yaman,magsama ng masaya at may pagkakasundo,ang blesssing panginoon ay di nawawala..basta manalig ka lang at magtiwala syempre ayun sa iyong ginagawa na ayun sa kanyang salita..

So,ang Mr. ko at ang panganay ko iiwan ko muna sa Japan,my Computer at Cell phone naman para makontak..at lage nalang magdasal para di mag alala ..minsan ganun kase ako lalo na malamig dito,pala lindol,..naiisip ko ang trabaho ng asawa ko at anak ko..alam kong hindi madali par sa kanila,ang sabi ko nga sa anak ko..Kapag yumaman si mama kukunin kita at di ka na magtatrabaho sa Japan..

Sana naway matupad ang pngarap kong maklsama ko ang aking anak at asawa sa Pilipinas ,kasama ng aking mga kapatid at nanay ,wala na kase si tatay..so mga hipag at pamangkin ko ay namimis ko na...

hanggang dito na muna ang kwento ko...see you ulit sa susunod kong

mamimiss den kita Tokyo

paalam muna Japan

No comments:

Post a Comment