Friday, November 15, 2019

Ano ba ang Pakiramdam ng WINTER sa Japan

When you say "Winter" it is expected na you feel it "Malamig" .. it's a part of four season here in Japan .one is Summer , Autum Winter and Spring , so ito ay kumakatawan sa tinatawag na Seasonal climate or Pag-babago ng klima..

Oo na Malamig kapag winter dito sa Japan. Sapagkat taga Tokyo ako. Subalit iba ang klima ng City sa mga parte ng malalapit sa bundok o lugar na mapupuno ng kalikasan o lugar na mabundok, batis o mga ilog .. Kung ako tatanungin masarap ang simoy o amoy ng hangin sa bundok kumpara sa syudad.. sa dahilang ang syudad ay puro sasakyan , di tulad sa bundok malinis ang hangin , gawa ren ito ng kalikasan para luminis ang hangin..

Alam naman naten ang Puno ay nakakatulong para malinis ang polluted air ..kaya nga nauso o kinaugalian ng tao ang mag lagay ng houseplant sa loob ng bahay dahil nakakapag clean ito ng air sa loob ng tahanan..





Anyway. Ano nga ba ang pakiramdam ng MALAMIG na klima dito sa Japan.
Syempre maginaw, ako tatanungin.. Hindi ko gusto kapag winter , pero pasalamat na lang ako dahil sa Tokyo ay hindi ma Snow kumpara sa ibang parte ng Japan like Hokaido , Osaka or other part of Japan..

In Tokyo Snow are very rare ...2 to 3 times a year is mararanasan mo.. 5 to more times is bibihira..
usually nag Snow around January to March ... kase ang Winter started at the Month of December , January at Febuary..  three months lang ang winter sa Japan..  kung minsan ang November at April ay Mararamdaman mo na ren ang Lamig , kaya depende yan sa panahon , kaya may makikita kang naka Coat na kahit di pa Winter time.. Basta Ramdam mong lumalamig na at giniginaw ka.. nag sisilabasan na ang mga Fashion for Winter Season..

Ano ang Dapat Malaman mo Kapag Winter sa Japan bilang isang Filipina?

1. Mabilis ang pag dilim o gumabi , in short maiksi ang araw ... mga alas 4 ng hapon ramdam mo mabilis mawala ang araw.. kaya medyo malungkot kase madilim agad.

2. Makapal ang iyong mga suot, ibig kong sabihin marami kang balot na damit mula ulo hanggang paa.. like bonnette or sombrero , muffler or scarf , ear cap , hand gloves , inner clother or warmer , tammy warmer , socks, boots , face mask or mouth mask, ...at mga pang painit sa katawan na nabibili sa botika.. inilalagay iyon sa bulsa or any part of your body ( i forgot the name )

3. Mapapansin mo mabenta ang mga Noodle Soup like Ramen , Soba or Udon.. mga Nabe food or masasabaw na food , Oden , Siopao called Nikuman, at mga Drinks na maiinit , like cofffee , corn soup or tea and so on.. Sa vending machine available ito at sa mga convenience store ..

4. Mabenta ren ang mga Winter plants which i really love and enjoy it's benefits inside your home..like Christmas Cactus, Poinsettia , Succulents and so on..




5. If you believe in Sun exposure in the Morning to take Vitamin D.. better to grab the chance kapag may araw . painit ka na agad dahil mabilis mawala ang araw .. i do my Sun bath every morning in my small balcony basta may Sunshine ..it's good for our health ..so matipid sa araw kaya mag ipon ng Vitamin D kapag Maaraw..

6.Bihira akong lumaboy kapag Winter , kase minsan Nakakatamad magbihis ng madami sa katawan , at malamig sa labas , mahirap kumilos ..in short mas malakas ang pag iral ng katamaran kapag Maginaw ...Bihira akong maka tambay sa Park ..unless maaraw talaga..

7..Marami ang nadedepress kapag winter or mabilis maka bored lalo you are not working at full time mother ka lang.., sa winter mabilis ang sadness called winter blue, so to avoid that, do something fun inside your home . like design your home, dance , singing, make something good for you that makes you happy ... like mag gardening , mag cooking, read books , social media, or listen bible topic . eat good food ..ngunit huwag lang puro kain dahil marami ang tumataba kapag winter..

8.. Mabilis ang pag bulok o pag baho ng basura , kaya dapat araw araw itapon ang basura at linisin ang mga lugar na inaamag lalo na ang mga bintana , pinto at bath room .. kulang sa hangin .. nag momoist kaya lapitin ng MOLD .. which is not healthy to inhale..put houseplants para makatulong to recycle and detox air inside your home..

use humidifier when room is dry , use essential oil to relax lalo na may allergy ka.. diffuser po tawag sa mga yan ... yan ang mga baay na di pwedeng mawala sa bahay ko any season kahit hindi pa winter..

9.. Dahil marami o uso ang sakit kapag tag lamig , mag ingat sa pag punta sa matataaong lugar , mag takip ng mask or mag takip ng panyo... kumain ng maraming prutas na sagana sa Vitamin C.. huwag kalimutang maghugas o mag mumog kapag galing sa labas para iwas virus.. yan ang ginagawa ko at pinpayo ko sa family ko..

10.. Dahil bihira ang Araw . Maglaba agad kung alam na maganda ang araw dahil tatambak ang labada kapag tatamad tamad.. sabagay may mga Coin Laundry dito sa Japan.. maliit hanggang malalaking kumot ..

11..Kapag winter nagiging dry or itchy ang skin so kepp alert about it..use moisturiser or any cream or oil to relax your skin otherwise kakatihin kayo at kukulubutin ang balat.. at ang lips ay nag dadry den or nagka crack so always bring lip cream to you..

12.. and many to mention... next i continue ko na lang ito.. tamad na ko mag type , maglilinis ng bahay at may araw na , makapag paiinit at makalaboy muna..







Tuesday, May 1, 2018

Anong Trabaho ko sa Japan

Ano nga ba ang trabaho ko sa Japan?
Bakit ako napunta ng Japan?
Ang totoo may asawa akong Hapon.. Nakilala ko siya year 1986 , kinasal kami 1987.. I will tell the story next time kapag sinipag mag sulat..

ANG TRABAHO KO ..ay isang Dakilang Asawa at ina in short HOUSEWIFE..
ang totoo Tamad akong mag work..bahay pa lang hindi na ko magkanda ugaga.. mag work pa.. at isa ayaw den ng asawa kong hapon..so period ang usapan..




But.. before ko nakilala Mr. ko naging talento ako 2 times lang.. 1985 sa Takamatsu , 1986 Chiba were i met my hubby.. yun na yon... saka na ko magkwento hahah

in short nagtrabaho muna ko sa omise or club dito sa Japan pero kung titingnan mo ang loob parang karaoke house lang or restaurant , kase halos kumakanta lang ang mga pumupunta doon.. of course may umiinom . kumakain.. paano ba sabihin parang waitress na pwedeng tumable , ewan di ko matanggap hostes ako or ano ba ..entertainer , pero yung sa blue card ko cultural dancer ako ..
okay , tamad ako magkwento pa..

Anyway,hindi lahat ng nasa japan bar lang ang alam na trabaho , hindi ko na ito maikwento ng sabay sabay..

At itatak nyo sa isip nyo na ang mga Pinay sa Japan ay iba iba , hindi porket nasa Japan Club na ang work, kung sakali nag bar man, kanya kanyang diskarte sa buhay..at nasa sa inyo na yun kung gusto mong magwala..

Minsan depende ren sa amo mo o promoter na nag-asikaso ng trabaho mo,malas mo kung saan ka na lang dalhin..

Ngayon 2018 na halos wala na akong naririnig o nakikitang mga Pinay na Talento para mag work sa Japan..usually kinukuha ngayon ay mga skilled workers like may mga degree level..

Marami dito ang Engineer,English Teacher, Care giver, House Keeper ,parang tagalinis pero bukod ang bahay..at kung ano ano pa..syempre kailangan mo how to speak or know something Japanese Language kahit 60 percent understanding..mahirap ang walang alam..nganga ka dito..

Back to my story. mula ng kinasal ako wish ko talaga ang mag work ,kaso ang mister kong hapon,ayaw nya ang asawa na nag wowork..kahit magtalo pa kami wala akong nagawa..

Pero nakaranas ako na tumakas noong panahon na kinuha ko ang mother ko , tumatakas ako ng side line kase wala ang Mr. ko at nasa business trip..3 hours lang naman 5 to 9 pm ng gabi ..sa factory ng Gyoza , marumi mabaho at mahirap ,pero try lang naman..kaso nabuking ng asawa ko, pero sabi ko
hanggat nandito lang si Nanay ko..so 3 months pumayag ,at yung bunso ko mga 3 years old lang yata limot ko na..ang tagal na non..

kaya mula noong hanggang lumaki mga anak ko at tumanda na dito...tinamad a kong mangarap mag trabaho,di ko nakasanayan ang trabaho kaya naging batugan ako..
in short di ako nasanay sa ganong buhay..

Kaya ang buhay ko sa Japan, mag alaga ng asawa at anak,maglinis at maluto ..Lumaboy,mamili,Gawin ang gusto ko kapag ako ay nag iisa ..tapos uwe ng bahay para magluto ..

Dahil sa tagal ko na rito ,nasanay na ako ng tahimik at walang ingay sa paligid..kase dito di uso pakialaman ng buhay ng may buhay..kapit bahay mo walang pakialam sa mga kapitbahay...or depende na ren siguro sa yo or sa mga kapitbahay mo kung mausyoso..

Ganun ,narito ako gising pa alas 11 ng nga gabi sa Japan..tulog na ang mga kasama ko kase may trabaho sila ,ako hugasin ng pinggan ang nag hihintay at pag gising sa umaga mag luto ng agahan nila bago pumasok at gumawa ng baon o  bento ng anak ko..Mr ko ayaw ng mag pagawa ,date kase nilulutuan ko ng bento (lunch Box or BUGONG kung tawagin sa atin )

so pagod den ako, pag alis nila,maglilinis ako ng bahay ,mag lalaba ng damit,mag didilig ng halaman,mag tatapon ng basura, mag lilinis ng bath room at toilet,magliligpit ng mga kalat..
at walang katapusang trabaho na kahit kasikip sikip ng bahay sa Japan..parang lagi akong abala ..



Paano kung magtrabaho pa ako? di lalo na hindi ko na malilinis ang bahay ko, Ayoko ng natutuliro,
Dito sa Japan kapag di ka naglinis ng bahay mabilis ang amag at alikabok..
mag kakasakit ka at mag kaka allergy ,kaya dapat regular kang maayos sa bahay..

So yan yung trabaho ko ,hindi ba nakakapagod den,may sweldo den naman ako i mean ,allowance
nakakapag padala ko sa Pilipinas buwan buwan..Alam na yun ng asawa kong hapon, bago nya ko inayang mag pakasal binanggit ko na Bread winner Ako..
Naunawaan nya at tumutulong sya..so hindi na ko nag pumilit mag hangad ng trabaho. kontento na ko sa binibigay nya..

Pasalamat kesa sa wala, maswerte ka kung masipag kang tao or pumapayag ang asawa mong magtrabaho ka..ang Mr. ko kung tutuusin takot sa akin..kaya lang nirerespeto ko ang gusto nya..

BAHAY LANG DAW AKO..so para walang away , Bahay na kung bahay..
Yun po ang storya ko.,pero hindi naman sya madamot na magliwaliw ako basta ba uuwe ako hahahh..
Before kase umiinom ako ng Alak at maraming Barkada..

Ngayon almost 3 years na akong hindi umiinom ng alak, Hindi na ko bata para mag iinom ng mag iinom.. iniwasan ko ren ang barkada ,nagsawa na ren ako..pero honestly very selective den ako when it comes to friends..mas lamang gusto ko pa nga nag iisa lang..i find my peace there..


taken at winter 2018

Feels..
Masarap ang Buhay kung walang Maingay 

Thursday, December 25, 2014

Japanese Kimono First Time?

After so many years ko rito sa Japan..why ngayon ko lang naisipan ang magsuot ng Kimono?
Noon kase parang nababaduyan ako ,tapos parang kahirap kumilos o lumakad,i heard sakal daw sa katawan ang Kimono parang suman na balot na balot at mahigpit ...
Iniipit ang dibdib,sabi ng isa kong friend di ka raw makakain ng maayos...ganun ?

Now 2014 December,ako na mismo ang sumali sa isang events ng Wearing Kimono dito sa parte ng Tokyo ( Asakusa ) isang sikat na lugar lalo na sa mga turista..

Ang masaklap tag lamig na nga aba ey...umuulan pa ,eh di ayun ...lakad kaming grupo kahit umuulan, nakapayong kami ,minsan humihinto ang ulan na pabugso bugso..
At sobrang ginaw...pero sobrang nagenjoy kase puro ako kalokohan sa suot kong kimono..
Kahit sabi nilang dapat mahinhin ang lakad o dapat kumilos ng parang Haponesa..Ang ginagawa ko nagpapatawa ako,ewan ko ba," Ang Kulit ko Daw"



It was December 20 ,Before the event ...inimbitahan kong sumama sa akin ang friend kong indonesian na mahilig sa mga ganitong trip..at lalong naging exciting kase di ako nag iisa..
"so early morning kami umalis mga 9 AM...Bumiyahe kami papuntang Asakusa ,sakay ng Bus ..almost 45 minutes ang biyahe..
Wala kaming Kilala sa Grupo pero they're all nice naman.may black na lady ,singaporean.japanese at thailander ang nag organized ng event..may ilang lalaking kasama which is sila ang mga cameraman namin..at mga expert ..pero syempre may dala ren kaming sariling camera ..just incase para maraming maipon na mga pictures...

Unang ginawa namin.ay isa isa kaming binihisan ng mga matatandang haponesa..at bongga ha..Marunong mag inglis ang mga Lola hahahh naloka ako..
May rental para sa hairdo na flowers which is 100 yen,at free hair style na simpleng ayosan lang ..at sariling make up or kahit wala na...

Ang Kimono ay mga rental lang at hindi mga bago, so mura ang binayad namin lalo na by group..
nasa halagang 3000 yen ay may Kimono fashion ka na..mamili ka lang ng design at kulay pati na ang sukat na tugma sa katawan ay sila na bahala na magbibihis sa yo...
Dahil nga hindi mo ito maisusuot ng mag isa..ewan ko na lang kung hindi ka mastress
"..ang daming cheche bureche bago mo ito maisuot lahat..."



Around 12 PM..nag lunch kami sa isang Japanese Restaurant..at ang kinain ko ay Green Salad lang,ayokong mabusog...Takot mag CR..so ayun..Picture Picture na lang ako...



After ng Lunch,Ikot ikot,lakad lakad...Picture Picture..

Ang nakakatawa naging Attraction kami ng mga turista,andyang kunan kami ng video at kunan ng picture at may nagpapakuha ng picture kasama kami...hmmmm ..kakalat litrato ko ?? hahahhh


Sobrang saya ng araw na ito.kahit umuulan at malamig...Hindi ko malilimutan ang unang karanasan ko sa pag susuot ng Japanese Kimono..and I'm sure masusundan pa ito ng ilang beses..
Type na type ko at para sa akin nakaka alis ng stress .".Sobrang Saya .Promise"


Kita nyo naman ang mga ngiti ng grupo...

my indonesian friend 

At narito ang ilan sa picture na kuha ng mga expertong cameraman..
(here are some photos taken from our group photographer )




At isang Emo emo na picture ko ...



That's the story behind my first time of wearing KIMONO..



........SHIAWASE ...Happy Kimono day to all "





Saturday, March 1, 2014

Pagkaing Pinoy ...PANCIT GINISA

Masarap ang Pagkaing Pinoy Basta Kumain ng Balanse..di ba? ayaw ko ren namang  tumaba lol.

Mahilig ka ba sa lutuing pansit o yung noodles na gingisa..Medyo mabigat den ito sa tiyan ..
ako naman bihirang kumain ng mga noodles pero pag natripan... kain kain naman pag may time..

Sa Japan may mga lutuin reng pancit style kaso ang lasa ay di tulad ng luto sa atin.usually tayong mga pinoy ay mahilig nag papatis at kalamsi...ang lutong hapon di bagay ang maasim ,manamis namis na may toyo ang luto nila,at sangkap na di mo makikita sa lutong pinoy..

Kung bibilhin ito sa atin siguradong mabigat sa bulsa...
soito  yung noodles ng Japan niluto ko sa timplang Pinoy...eto siya..ang aking PANCIT NOODLES na ang dapat ay YAKISOBA...







Paano ko ito niluto..watch my video cooking...


babushh...yum yum ..