Monday, February 11, 2013

Ang Snow sa Tokyo

   Ang totoo mga kabayan..Bihira nyong makikita ang snow sa parte ng Tokyo ,halos isang beses lang isang taon ito bumagsak ,maswerte na kung 2 o 3 beses itong maguulan ng snow...usually ito ay nangyayare kapag buwan ng enero,Febrero at Marso...This year 2013 ay naka 2 na ang snow sa Tokyo ,last January 14,napakalakas at makapal...subalit hindi naman kasing kapal ng nasa bundok dito,tulad ng sa Hokaido..doon ay hindi pwedeng hindi nag iisnow ..iyun ay lugar talaga ng Snow,kaya isa ito sa pinakamalamig na parte ng Japan ang Hokaido...brrrrr..

  Personally speaking,i don't like snow,noong una syempre excited at tuwang tuwang...Ngayon ang masasabi ko ,madumi sa kalye at napakalamig ,Nagpuputik kase ang kalye kapag natutunaw ang snow..bukod doon ,madulas ang kalsada ..maglakad ka man o nakabisikleta..at delikado sa mga sasakyan......Sa isang katulad ko na mahina sa lamig,Hindi ka makalabas dahil sa manginginig ka nga sa lamig at kailangang makapal ang iyong suot mula paa hanggang ulo...eh hindi ko pa naman hilig ang balot na balot na para kang suman...kung pipili ng klima mas gusto ko ang summer talaga..

  Matawa man kayo o hindi sa halos twenty years ko dito bibihira nyo akong makikitaan ng pictures sa snow,nagtataka nga ang pamilya ko sa amin ..bakit wala daw akong pictures sa mga snow...ang totoo, gusto ko,dahil nga sa sa sobrang lamig ,nakakatamad ang lumabas...minsan namang mapalabas ako ....na gusto kong magpapicture ay ,may kamalasan den,kunde wala akong dalang camera,low bat ang camera ko ...ha ha ha kaloka no?

  Ang snow po sa mga hindi pa nakakakita ay hawig at katulad po ng yelo sa loob ng freezer..yun nga lang kokonte at nasa loob ng fridge pa..di mo manamnam ang feelings ng paligid ng puting puting yelo....di tulad ng snow ,ang gandang tingnan ito habang ,bumabagsak o umuulan ito,tambak at nagkalat sa kalye,na sya namang kinatutuwa ng mga bata o mga taong sabik makakita ng snow..andyang may nag pagulong gulong sa snow,batuhan,gumawa ng snow man at ano pang pwedeng ilaro sa snow...like skiing ...ako malabo mahilig diyan .dahil alam kong malapit sa sakuna at isa pa,ayaw ko talaga ng malamig at magbalot ng napakaraming suot...magburo na lang ako sa kwarto at uminom ng green tea...

yan ang nakuhan ko ng snow sa lugar namin..lowbat ng camera ko dyan..january 14,2013

Tokyo snow 2013 of January
   Ngayon ay February na,malamig pa ren at napakalamig lalo na sa umaga..Hindi ko ren alam kung mag iisnow pa sa Tokyo this year..pero hanggang March ay winter pa dito sa Japan..At kung sakaling magsnow ulit..Sana naman makaranas na kong Magpapicture kahit hindi ko type..

  Makagawa man lang ng souvenir ,baka hindi na ko makakita ng snow,dahil may plano na kong umuwe ng Pilipinas...

   Ngayon ay alas 6 ng umaga na,maaga akong nagising..at sobra pong lamig sa kwarto ko...kaya binuksan ko ang heater ..tulog pa ren ang aking mga kasama..at hindi na ko makakatulog nito at eto,nagcomputer na lang...
  Okay !! Mga kabayan babush na ,at makapag mainit at iinom ako ng hot green tea muna...




No comments:

Post a Comment