Friday, July 5, 2013

Duhat ,Fruits in the Philippines or Black Plum

Sino ang hindi nakakakilala ng duhat? Maaring hindi nyo na ito makikita ngayon sa mga palengke o sa tindahan ng prutas.Madalang na ito at mahirap mabili,Marami ng prutas sa Pilipinas ang halos hindi mo na makikita ngayon sa mga pamilihan, tulad ng kamatsile,kasoy,makopa,kaynito,balimbing,mansanitas,at ano pa ba ang di nyo na halos makita sa Pilipinas na prutas.??





Isang araw naligaw ako sa palengke na malapit sa amin ,for almost ten years,ngayon na lang ulit ako nakakakita ng duhat.Yes DUHAT PO..yung yung itim na parang ubas at violet sa loob kapag ito ay dinurog mo..may isang malaking buto sa gitna na puti ang laman pero ube ang mga paligid ,dahil ang balat ng duhat ay maitim,kapag dinurog mo ang balat ng duhat nagiging ube sya..





Ang lasa ng duhat ,alam naten ito ay mapakla,nilaglagyan ito ng asin para medyo mabawasan ang pakla,mahirap itong kainin ng sabay sabay dahil ito ay mahirap lunukin..
may nagsasabi na ito ay nakaka hina ng vowel digestion..pero sa aking pansin hindi naman po..siguro depende iyan sa inyong panunaw or sa inyong daily style ng pagkain..

Ang duhat ay nakamamantsa,maganda siyang food color or pangkulay sa mga tela ..May alam ba kayong lutuin sa duhat bukod sa ito ay kainin ng may asin???

Video ng Duhat ng ako ay bumili sa palengke after more than ten years..



Babushh....
eating duhat..Philipines Fruits

1 comment:

  1. Ang Duhat may variety yan na matamis.. yung wala talagang pakla. Though wala akong alam na luto regarding this kind of fruit.
    Kung aasinan niyo po ito mas magandang alugin ito sa asin kaysa isawsaw sa asin..

    Steps:
    1. Hugasan at idrain ang duhat saka ilagay sa bowl.
    2. Lagyan ng asin ayon sa tantya niyo na panlasa. About 2-3 pinches of salt.
    3. Takpan at alugin ang bowl hanggang makitang malabot na ang balat ng duhat.
    4. Serve

    ReplyDelete