.Isang piraso ng abokado dito ay nasa 140 yen.,minsan may mura ren naman pag season. |
Nang makarating ako dito sa japan,napansin ko ang kakaibang pag kain nila ng abokado...noong una medyo natawa ko,kase imbes na asahan ko na ang abokado ay isang prutas na dapat kakainin ito ng matamis ,
Ang abokado dito ay ginagawa nilang parang kapareha ng isda ,kase makikita nyo to sa sushi nakapatong sa kanin o nakapaloob sa kani na may halong maanghang na wasabi ,isang maanghang na spices na palaman ng sushi ,
At kung di naman sa sushi,makikita nyo ito na nakahalo sa salada ,naging paborito ko nga ang pagkain ng Avocado salad,puro gulay sya na minsan may kasamang kunde nilagang itlog,tuna o mga sea food ,minsan naman keso o kung tawagin sa ten kasilyo.yung cottage cheese tawag dito ,ewan walang tawag sa hapon..
At kung di nyo nalalaman na ang avokado ay puno ng protina ,isa itong pagkain na di mawawala sa mga nagbubuhat ,mga nagpapalaki ba ng muscle..minsan ko na ren kase nagawa ang ang pagbubuhat ,yung muscle building ba,kaya nakahiligan ko na kumain ng abokado
At isa pang dahilan kaya naging paborito ko ang abocado ay dahilan na di ako kumakain ng mga laman ng hayop ,na sabi nila ay importante ,dahil kailangan naten ng protein....Ang totoo po di lang naman sa meat ng hayop nakukuha ang protina..marami nyan sa mga gulay prutas at beans at iba pa maliban sa laman ng hayop.
...Napakalaki ng dahilan ko bakit di ako kumakain ng karne baboy hamon hotdog manok etc etc.pero itlog lang yata kaya kong kainin,minsan nalalansahan den ako,pero pinipili kong itlog ay yung native egg ba..yung organic egg ba..na walang hormon growth o antibiotic injected sa manok..mahabang salaysayin bakit importante ang organic.. ..
Kung laman ng hayop.magsardinas na lang ako o kaya abocado ..sa agahan ko piniritong itlog sa olive oil no salt but cayenne pepper lang..at abokado na walang halo.
Pag gawa nito ay napakadali lang ......
2 Native o organic egg ...batihin at pakialisin nyo yung mata ..sa nakakalam bago nyo i beat
at 1 medium size na avocado ..samahan nyo ng saging at mix na smotties ,{next time sabihin ko paggawa .}
sa gustong lagyan ng dressing o toyo yung avocado nasa san yo .. ako kase wala kahit ano,bawas asin sa katawan kung may nuts dressing ako lalagyan ko.malungkot ang lasa pero importante ay masustansya ..
simpleng agahan masustanya pa |
No comments:
Post a Comment