..
Pero sa loob ng pamilihan ,supermarket hindi ingay ng tao maririnig mo kunde ingay ng music sa loob ng pamilihan...may palengke ren sila dito ,medyo malayo sa bahay ko..at doon makikita mo maingay ang tao..
subalit hindi naman mabaho ang palengke dito..
Ang ibig kong sabihin di nagkalat yung basura...siksikan den sa tao..ibat ibang lahi makikita mo..may mura at mahal na paninda...pagkain naten mayroon den at ano ano pang paninda..
Bisikleta dito ay nagkalat ,halos bihira and di gumagamit nito..mga nagtitinda sa kalye ay di mo makikita..bibihira sa may mga estasyon ng tren may makikita ka mangilan ngilan..sigurado ko iyon di basta basta...
Kapag festival dito o fiesta nila..Hindi sila abuso sa oras na tulad sa aten ..walang paki kahit umaga pa matapos ..dito pag sinabing 7 to 9 pm lang..tapos na..at kailangang sunden dahil bawal at sisitahin ka.
Ang mga hapon ay masunurin sa batas sa rules..yan yung napuna ko..ang mga pulis dito mababait ,magagalang pa nga..di tulad sa alam nyo na...ewan bat nga ba ganun?..
Ang malungkot ko lang dito...walang pakialam ang kapitbahay mo sa yo..ibig kong sabihin tahimik sila..yuyuko lang kung babatiin ka..di sila palakapitbahay o mahilig ng tumpukan lalo di mo kilala.
ilap ang hapon..mababait naman sila...at yan yung isa kong ikinatuwa...walang paki ,so walang chismis...ha ha ha..
eh mismo mga pinay pa nga yung mga nag sisiraan dito kaloka...
Ang isa lang na gusto ko sa Japan..di nakakatakot kahit umuwe kang gabi o maglakad ka sa gabi o madaling araw...sa tagal ko dito date ren akong laboy at mahilig uminom at magbar..inaabot kami ng dilim kahit umaga...wala akong naranasang takot sa kalye o nerbiyos na umuwe magisa..
yun siguro ang mamimiss ko dito kapag ako umuwe na sa aten bukod sa pagkain at iba pang nakasanayan ko dito..like sauna at ofuroyasan yung paliguan nilang burles lahat ..
At yung masarap na sushi bar dito ...anyway hanggang dito na muna ko..kwento ko pa ulit next time..bored lang kaya medyo nakapag type..
tama po kayo maam, masakit talaga na kapwa mo pa pilipino ang naninira sayo. maraming salamat po sa pag post nito. ingat and god bless po.
ReplyDeletebuhay kalye philippine blog